Umabot ng 99.13 porsiyento o may katumbas na 14.6 milyon na mag-aaral ang pumasa nitong first quarter (Q1) ng kasalukuyang school year ayon sa dato ng Kagawaran ng Edukasyon.
Nitong March 3,2020, nagkaroon ng hearing ang Senate basic education committee na pinamumunuan ng nabanggit na senador. Dumalo naman si DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio kung saan iprinisinta niya ang mga ulat mula sa ibat-ibang rehiyong.
Ikinagulat naman ni Senador Sherwin Gatchalian ang dato na iniulat ng DepEd ukol sa bilang ng mg pumasang estudyante. Ayon sa senador, nakakagulat ang ganitong resulta gayong distance learning ang ginagamit na paraan sa pagbibigay ng kaalaman sa mga mag-aaral . Dagdag pa ng senador, parang hindi kumbinsido si Usec. Diosdado San Antonio nang sagutin nito ang tanong kung natututo nga ba ang mga estudyante.
Read more: Deped calls for in-person classes
“Ang ginamit pong basehan sa pagmamarka ng mga bata sa performance task and written outputs. Using these two, minarkahan sila ng mga teachers. Regardless kung 75 siya or 80, or 90, kasama na po siya sa na-report na magaaral na pumasa,” ani ni San Antonio.
Ayon sa ulat ni san Antonio, ramdam umano nila na ang mga ginamit ng DepEd na indikasyon sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa unang quarter ay epektibo.
Bagamat mataas ang porsiyento ng nakapasang mag-aaral, mayroon naming 126,000 na buagsak.