Umalma ang ilan sa mga tinanggap upang magtrabaho para sa Department of Education (DepEd) TV channel dahil sa delayed na pasahod ng kagawaran kahit pa umapela sila dito.
Ang DepEd TV channel ay inilunsad noong ika-11 ng Agosto 2020 bilang bahagi ng distance learning upang matugunan ang pangangailangang pang-edukasyon sa gitna ng pandemyang dulot ng COVID 19.
Ayon sa isang nag-resign na DepEd TV staff na nagsimulang magtrabaho noong Oktubre upang maging bahagi ng ilang episode ng DepEd TV, tinanggap niya ang trabahong ito kahit pa mayroong COVID 19 sapagkat mahirap magkaroon ng trabaho ngayong pandemya.
“Never pa ako sumahod. And as far as I know, lahat ng pumasok noong October, hindi pa sila nakakasahod, or nakasahod sila pero for one pay day lang. Bale, for two weeks na trabaho lang sinahod nila. Ever since, after that, hindi na din sila sumahod,” ani ng isang empleyado na nagresign sa isang panayam sa kanya ng ABS-CBN news.
Nakipagkasunduan ang kumpanya ng ilang empleyado sa DepEd upang gumawa ng mga educational contents sa mga TV episodes nito. Nadelay ang kanilang mga sahod sapagkat ang sasahurin nila umano dito ay aaprubahan pa lamang sa darating na 2021 budget ng DepEd. Nangako din umano ang kagawaran na magbibigay sila ng sweldo ngayong Disyembre ngunit paiba-iba ang petsa na ibinibigay nila.
“Sabi nila, sasahod kami December 12. Tapos, wala na naman pumasok. (May) nagsabi December 15. Tapos iyong iba, sinasabi sa kanila, December 18. So, sobrang nangangapa kami [kung] kailan ba talaga ‘yong sahod,” saad ng isang resigned DepEd TV staff.
Nanawagan din ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa DepEd na bigyan ng solusyon ang mga “employment problems” na naranasan ng mga Deped TV staff upang mabayaran sila pago ang pasko.
“They took the job for economic gain, especially with the crisis amid the pandemic. It is the height of injustice to make them suffer due to government’s neglect and ineptitude,” ani ACT Secretary General Raymond Basilio .
“For months, these hapless employees were producing output through their own means— their own computers, internet and electricity expenses—under the work-from-home set-up, but they were not getting any for all their work,” dagdag pa nito.
Basahin: DepEd to improve quality education