Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng DepEd na magsagawa ng pilot implementation ng face-to-face classes. Ito ay gagawin sa buong buwan ng Enero 2021 sa mga piling paaralan sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19.
Idiniin ng kagawaran na hindi ito gagawing sapilitan at tanging mga mag-aaral na may written consent lamang mula sa kanilang magulang ang papayagang sumali sa pilot implementation ng face-to-face classses.
Narito ang ilan sa mga kondisyon sa gagawing pilot implementation ng face-to-face classses:
- Ang mga mag-aaral ay boluntaryong papasok at kinakailangang may written consent ng magulang o guardian.
- Ang paaralan ay nasa low risk area (MGCQ).
- Ang DepEd, LGU, at mga magulang ay may shared responsibility sa ligtas na pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral.
- Ang paaralan ay tiyak na handa sa pilot implementation:
- Risk classification ng kanilang lugar
- Pagkilala sa shared responsibilityng depEd, LGU, at mga magulang
- Management plan para sa mga mag-aaral at clasroom
- Pagsunod sa mga heathg standards sa tahanan, sa byahe, at sa loob ng paaralan.
Recommended Readings:
- DepEd Official Statement on the Pilot Implementation of Limited Face-to-Face Classes
- Duterte OKs Dry Run of Face-to-Face Classes