Mahigit 3.5 milyong estudyante mula Kindergarten hangang ika-anim na baitang ang natulungan sa School Feeding Program ng Department of Education (DepEd) noong 2020 na may pondong humigit-kumulang P5.97 bilyon na budget sa ilalim ng school-based feeding program (SBFP).
Ipinatupad nitong nakaraang taon kahit pa sa gitna ng pandemya ang programa ng gobyerno na SBFP na naglalayon na puksain ang malnutrisyon sa mga pampublikong paaralan sa Pilipinas. Namigay ng masusutansyang pagkain at gatas ang DepEd sa mga mag-aaral ang DepEd kung saan 3.1 milyong estudyante ang nakatanggap.
Ayon kay Education Undersecretary Alain Pascua, ang nasabing proyekto ay sinimulan noong Agosto noong nakaraang taon. Ang mga pagkain at gatas ay kinukuha ng mga magulang sa paaralan batay sa kanilang iskedyul.
Sa ibang paaralan, mga guro mismo ang nagdedeliver ng mga pagkain sa bahay ng mga estudyante sa tulong narin ng mga barangay Officials o di-kaya mga non-government organizations.