Ang Department of Budget and Management (DBM) ay may utang na Php 6 bilyon sa state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs) para sa academic year 2022-2023, ayon sa pahayag ni Sen. Francis “Chiz” Escudero nitong Huwebes.
Sinabi ng senador na nagkulang ang budget projection ng DBM dahil sa pagtaas ng bilang ng enrollees matapos ang COVID-19 pandemic. Ang SUCs at LUCs naman, lumabis sa kanilang budget allocation para sa free tertiary education o Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UniFAST), sa pagtanggap ng mas maraming estudyante.
“Nasa 50 percent ng SUCs at LUCs ang lumampas sa budgetary allocation ng bilang ng mga estudyante na sakop ng Free Tertiary Education [Act], samantalang 50 percent naman ang sumunod sa budget,” ani Escudero sa isang press conference.
Kinwestyon ng senador ang posibilidad ng pagpaparusa sa mga sumunod sa budget at ang pagbabayad sa mga hindi sumunod na parang walang nangyari. Hinimok niya ang mga SUCs at LUCs na isaalang-alang na hindi sustainable ang walang tigil na pagtanggap ng estudyante para lamang sa mas malaking budget allocation mula sa Free Tertiary Education Act.
Basahin: TAPE Inc. Granted 10-Year Renewal of ‘Eat Bulaga’ Trademark Amidst Ongoing Legal Disputes
“Hindi tulad ng public schools sa basic education, hindi maaaring tanggapin ng SUCs at LUCs ang walang limit na estudyante dahil mayroon silang entrance exam,” paliwanag niya.
Hiniling niya sa Commission on Higher Education (CHED) at DBM na pag-aralan ang susunod na hakbang sa nalalapit na pagtatapos ng moratorium sa tuition increase ng SUCs at LUCs, na ayon sa UniFAST.
“Kapag nagtaas ng tuition ang SUCs at LUCs, magkakaroon na naman ng komplikasyon sa budget na ia-allocate namin para sa libreng tuition para sa SUCs at LUCs,” ani Escudero.
Sinabi ng senador na kailangan ng CHED ng karagdagang Php 4 bilyon para mapondohan ang programang Tertiary Education Subsidy (TES), na nagbibigay ng financial assistance sa mga lugar na walang public universities at colleges.
Sa taong 2023, hindi na tumanggap ng mga bagong aplikante para sa TES ang CHED dahil sa kakulangan sa budget.
Basahin: DepEd School Calendar and Activities for the School Year 2023–2024