Skip to content

Bahay KuBOOKS mini-library , inilunsad

  • by

Inilunsad kamaikailan ng isang elementary teacher ang  isang reading hub sa Barangay Bololo, Guinabatan ,Albay na may layong makatulong hindi lamang sa mga estudyante kundi pati rin sa mga magulang na nais palawigin ang kanilang kaalaman.

Tinawag na “Bahay KuBOOKS” ang reading hub na may humigit-kumulang isang-daan na libro na itinayo ni  Ms. Kimberly Oraye,Teacher III ng Bololo Elementary School. Tinawag itong Bahay Kubooks dahil ito ay gawa sa nipa.

Ayon sa guro, inspirasyon niya ang isang mag-aaral na nasa ika-limang baiting na madalas humiram ng libro sapagkat nahumaling siya sa pagbabasa. Kadalasan, naipapahiram niya ang mga librong nahiram upang basahin din ng iba.



Basahin: Binay, Marcos eyes face-to-face classes

“Dahil sa batang yun’ , na-encourage ako na ilabas ang books lalo pa’t may pandemic, bawal naman pumunta pa sa school ang mga bata. And ‘yung mama ni Angel, siya na yung’ kusang nagpahiram ng kubo para malagyan ng reading materials,” ani Teacher Kimberly Oraye.

Ang mga libro na naka-display sa Bahay Kubooks ay donasyon mula sa iba’t-ibang grupo at organisasyon.

Nauna nang inaprubahan ng Department of Education ang mga learning hub sa komunidad basta’t nasusundan laang ang mga health protocols tulad ng social distancing.



Iba pang artikulo: DepEd, irerekomenda ang face-to-face classes sa pangulo



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *