Skip to content

Ang mga KATOTOHANANG hinaharap ng Campus Journalism ngayon

  • by

Isang malaking hamon ng pandemyang dulot ng COVID-19 ay mga pagbabagong sinasabayan ng mga paaralan. Apektado hindi lamang mga guro kung hindi pati na rin ang mga mag-aaral, ang sistema ng edukasyon at mga programang pumapailalim dito.

PHOTO SOURCE: RAPPLER

Kilalanin natin ang mga pagsubok na hinaharap ng Campus Journalism sa panahon ng distance learning:

  • 7079 laban sa 11479

Isa sa mga apektadong programa ng paaralan ay ang pamamahayag, isang batas na pinagtibay ng REPUBLIC ACT No. 7079 o mas kilala bilang “Campus Journalism Act of 1991.” Layon ng batas na ito na suportahan, protektahan at bigyang diin ang “freedom of the press” bilang pagpapatibay ng etikal, moral, disiplina, kritikal at malikhaing pag-iisip ng kabataang Pilipino.



Kalakip ng shifting na ito ay ang hindi maiiwasang mga isyu na nakakaapekto at naka-iimpluwensya sa daloy ng pagbabago. Isa sa mga maiinit na usapin ngayon ay ang REPUBLIC ACT No. 11479 na mas kilala bilang “Anti-Terrorism Act of 2020” na pinirmahan na ng ating Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan lamang, Ika-3 ng Hulyo 2020. Nagbigay takot at tensyon ito sa marami lalo na sa Human Rights Advocates.

[BASAHIN: https://www.officialgazette.gov.ph/downloads/2020/06jun/20200703-RA-11479-RRD.pdf]

Bago pa mapirmahan ay kanya-kanya nang opinyon ang inilalabas ng mga campus publications na tutol sa limitasyon at pagbabantang naka-abang sa pagpapatupad ng batas na ito. Ganun pa man ay nagpatuloy ang proseso ng pagpapatupad ng kinatatakutang batas.

  • Digital Journalism – susunod na hakbang ng mga school publications?

Hindi na bago ang digital journalism sa henerasyon na ito. Kalat na sa social media ang ganitong klase ng pamamahayag, maging Facebook, Instagram, Twitter, sariling website at iba pa, makikita natin ang naglilipanang mga balita na mababasa na sa isang pindot lamang.



Isa sa mga hamon ng digital journalism ay ang limitadong gadgets at internet access para sa mga guro at mag-aaral.

Maaaring hindi lahat ng miyembro at kahit pa mga editors ng pahayagan ay makapagbibigay ng tulong at suporta sa campus publication sa kadahilanang limitasyon sa gamit at internet. Ganun pa man, sinusulong ng bawat paaralan, sa pampubliko man o pribado, ang pagtaguyod ng pamamahayag sa “New Normal” ng edukasyon.

Sari-saring pag-aaral at pananaliksik pa din ang ginagawa ng bawat paaralan upang ipagpatuloy ang kalidad ng pamamahayag sa abot ng makakaya ng mga guro at mag-aaral.

_____________________________________________________________________________________________________________________



Mahirap man ang hinaharap nating pagsubok sa pagsulong ng kalidad na edukasyon sa bansa, marami mang limitasyon ang binigay sa atin ng panahon ng pandemya, bilang Pilipino na nagtutulungan at hindi tumitigil sa pagkamit ng payapa at tamang desisyon at solusyon, makakamtan din natin ang hangad natin.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *