Inanunsyo ng DepEd kamakaylan ang early registration for school year 2021-2022 na nasimulan na noong March 26 at magpapatuloy hanggang April 30.
Maaari nang magpatala para sa SY 2021-2022 ang mga incoming Kindergarten, Grades 1, 7, at 11 learners sa pamamagitan ng remote o in-person registration.
I-download lamang ang Modified Basic Education Enrollment Form sa link na ito (https://bit.ly/BEEF2021) at ipasa sa alinman sa mga sumusunod na paraan:
Online o Text
Maaaring mag-email, mag-chat, mag-text, o tumawag sa paaralan upang ibigay ang mga hinihinging impormasyon.
Paaralan
Maaaring magpasa ng form sa mga Early Registration Desk sa mga paaralan. Tanging mga magulang at guardian lamang ang pahihintulutang gumawa nito.
Barangay
Maaaring kumuha at magpasa ng form sa mga dropbox sa mga barangay hall ang mga magulang at guardian.
Paalala, maaari lamang gawin ang in-person o face-to-face na pagpapatala sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ. Mahigpit na susundin dito ang mga health and safety protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Mananatili namang remote ang pagpapatala sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ, MECQ, at ECQ.
Magpapatuloy ang early registration hanggang Abril 30, 2021.
Source: https://www.facebook.com/DepartmentOfEducation.PH/posts/4551638584895800