Skip to content

DepEd, irerekomenda ang face-to-face classes sa pangulo

  • by

Inihayag ng Department of Education ang pagsang-ayon nito sa face-to-face classes matapos ihayag nitong Miyerkules, Ika-2 ng Disyembre, na handa silang irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatuloy ng in-person classes sa mga lugar na may mababang COVID 19 cases.

Inihayag ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan sa ABS-CBN’s TeleRadyo na bukas sila sa mga panawagan na payagan ang ilang paaralan para sa limited face to face classes. Importante umano ang f2f classes sa learning process kayat handa silang ihain ito sa Pangulo upang maaprubahan nito.

 Sa muling pagbubukas ng klase, mayroong tatlong criteria na inihanda ang DepEd na kailangan matugunan ng paaralan upang mapayagan ang mga ito.



  1. Sisiyasatin ang tsansa ng transmitability ng COVID 19 ng mga mag-aaral.
  2. Mapapanatili naman ang pag-gamit ng facemask at face shield gayundin ang pag-obserba ng physical distancing
  3. Ang f2f classes ay responsibilidad ng DepEd, local na gobyerno at iba pang staekholders.Importante rin ang consent ng mga magulang.

Nagbukas ang distanct learning scheme noong Oktubre na may humigit-kumulang 24M na mag-aaral.

Basahin: CHED eyes possibilities of limited face-to-face classes in selected courses



RECOMMENDED


2 thoughts on “DepEd, irerekomenda ang face-to-face classes sa pangulo”

  1. Alam naman namin na wala talagang malasakit sa teacher ang DepEd, kaya hindi kuna bubusisiin kung gaano to ka delikado para sa mga teachers, pero sana isipin ng mga de-airconditioned na Educational engineer na mga to ang kaligtasan ng mga kabataan. Sa mga Educational Engimeers na patuloy sa pag gawa ng PALPAK NA DESISYON, pagisipan nyo nga. Yung nga 1st world countries hindi parin sila pumapayag sa face to face classes. Kumpleto sila sa pasilidad pang medical pero hindi parin sila pumapayag sa face to face. Ano ang pumasok sa isip nyo na pumayag sa face to face? Ano ang pumasok sa isip nyo n magndang idea na isugal ng buhay ng mga Estudyante? Wala ba talaga kayong kakayahang makisimpatya?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *