Skip to content

DepEd, pagtanggap ng mga para-teachers at volunteer teachers pinag-aaralan


Bilang pagtugon sa biglang taas ng demand ng mag-aaral sa pampublikong paaralan, pinag-aaralan ngayon ng Department of Education (DepEd) ang pagtanggap sa mga para-teachers at volunteer teachers bilang tulong sa pagsulong ng edukasyon sa panahon ng pandemya.

Kasabay ng pagtaas ng bilang ng mga enrollees sa pampublikong paaralan para sa SY 2020-2021 na pumalo na sa 20,147,020 ay ang pagtaas din ng bilang ng mga gurong kailangang tumugon sa dami ng mag-aaral. Ayon sa data ng DepEd na inilabas noong Biyernes, halos 88% ng kabubuang enrollees nationwide ay nasa pampublikong paaralan.

PHOTO SOURCE: UNTV NEWS

Ang para-teachers na tinutukoy ay ang mga staff na may considered alternative teaching-related positions sa mga institusyon at paaralan na maaring tumulong sa mga guro sa pagtuturo ngayong online distance learning. Ang mga volunteer teachers naman ay maaring manggaling sa mga degree holder na maaring magturo ng specific subjects na angkop sa kanilang natapos. Bagaman pinag-aaralan pa lamang ng Deped ang gagawing proseso ng pagsala para sa application, bukas na sa lahat ang impormasyong ito.



BASAHIN: Ang mga KATOTOHANANG hinaharap ng Campus Journalism ngayon

Ayon sa panayam ni Undersecretary Jesus Mateo sa Manila Bulletin noong ika-15 ng Hulyo, 2020, posibleng humingi ang DepEd ng tulong sa mga Local Government Units (LGUs) gamit ang Special Education Fund (SEF) upang tugunan ang sahod na aayon sa kakailanganing mga para-teachers at volunteer teachers.

Kabilang din sa paghahanda sa pagbubukas ng SY 2020-2021 ay ang mga sari-saring preparasyon na inilatag para sa mga mag-aaral, guro at magulang. Kabilang dito ay ang Brigada Eskwela, mga libreng online orientations at webinars. Isa sa mabibigat na preparasyon para sa “New Normal” ng edukasyon ngayong pandemya ay ang mga modyul at online Learning Management Systems (LMS) na higit na pinagtutuunan ng pansin ngayon ng mga paaralan.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *