Dead-on-the-spot ang isang Education Supervisor sa Sultan Kudarat matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem sa loob ng kaniyang sasakyan noong umaga ng Miyerkules, ika-16 ng Diyembre 2020.
Kinilala ang biktima na si Abdul Khader Sultan, isang Education Supervisor at residente ng Barangay Poblacion sa President Quirino, Sultan Kudarat. Ang pamamaril ay naganap ng 9:30 ng umaga sa National Highway ng naturang barangay ng dalawang di pa nakikilalang riding-in-tandem.
Nasa loob ng sasakyan ang biktima nang maganap ang insidente kung saan siya nagtamo ng multiple gunshots sa kanyang ulo at katawan. Ayon sa mga pulisya, narekober ang mga basyo ng bala ng cal.45 sa pinangyarihan ng krimen.
Ayon kay Sultan Kudarat Police Director Colonel Noel U. Kinazo, inaalam na nila ang motibo sa nangyaring krimen bukod sa pagtukoy ng mga di pa nakikilalang suspek.
Samantala, magbubukas na ang face to face classes sa mga lugar na wala o mababa agn COVID 19 cases.
Basahin: Why are teachers seeking greener pastures outside of the Philippines?