Skip to content

Guro sa Agusan del Sur, may kakaibang paraan sa kanyang online classes

  • by

Isang guro sa Saint Francis Xavier College sa San Francisco, Agusan del Sur ang nakapagpaganap ng kakaibang paraan upang maisagawa ang oral recitation para sa kanilang online classes.

Ayon kay Kerwin Membrado sa isang panayam, kasalukuyan siyang nag-iisip bago ang kanyang online class habang rinerepaso niya ang palabas na Bird Box sa Netflix. Kayat noong napagtanto niyang maaari niyang gawin ito sa kanyang klase, nagpakuha siya ng mga panyo o tela na maaaring pantakip sa kanilang mga mata. Ayon din sa guro, curious din ang mga mag-aaral sa kanyang pahayag.

Courtesy: Kerwin Membrado

“These diligent students joined the Google Meet with their blindfolds ready. Then, I instructed them about the mechanics of the recitation. Cameras on, microphones on, and blindfolds on.They were all shocked as the idea was very strange. Hindi nila naisip na may ganung eksena pala,” ani ng guro.



“I did not expect that the recitation would be a success. Throughout the recitation period, I found that some are anxious, some are relaxed. But most of them had a good performance. I was surprised that our learners today are ready to take on different surprises and challenges to meet the demands of our time,” dagdag pa nito.

Courtesy: Kerwin Membrado

Hinikayat naman ni Membrado ang kanyang mga kapwa guro upang mag-isip outside-the-box na mga Gawain upang maging masaya ang online learning ng mga mag-aaral.

Read more: Limited face-to-face classes for medical related courses in UST, APPROVED!



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *