Skip to content

Ilang estudyante, piniling mag-drop sa paaralan dahil sa kawalan ng gadyet,internet connection


May ilang estudyante ang piniling huminto muna sa pag-aaral dahil sa kawalan ng gadyet at mahinang internet connection. Aminado naman ang Kagawaran ng Edukasyon sa nangyayaring ito sa mga maraming mag-aaral kayat iminumungkahi ng kagawaran ang unti-unting pagbabalik ng face-to-face classes sa mga lugar na mababa ang COVID-19 cases.

Ayon sa isang panayam sa isang Grade-9 na mag-aaral na piniling magdrop-out,mahina ang kanilang internet connection kayat kahit nakaka-attend siya ng online classes, hindi niya masyadong naiintindihan ang kanyang guro sapagkat paputol-putol ang boses nito.

“Mas maganda yung personal, para mas makasagot ka sa teacher mo”- Grade-9



Ayon naman kay DepEd Undersecretary Diosdado Antonio, tinitignan nila ang posibilidad ng limited face-to-face sa mga lugar na pinapayagan nang magkaroon ng in-person classes o di kaya sa may mababang kaso ng COVID 19.  Kung hindi naman pwede,distance learning ang maaaring maibigay ng kagawaran.

Pabor naman ang Alliance for Concerned Teachers (ACT) sa mungkahing ito ng DepEd.

Samantala, ayon sa DepEd mayroong higit 3.5 milyong mag-aaral ang nakarehistro  sa advance registration hanggang nitong April 27,2021.

Basahin: DepEd pays tribute to Filipino war heroes





RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *