Comments on: Is it right that we remove Filipino from college curriculum? https://guroph.com/is-it-right-that-we-remove-filipino-from-college-curriculum/ News, inspiring stories, teaching resources Mon, 19 Apr 2021 19:06:03 +0000 hourly 1 https://wordpress.org/?v=6.7.1 By: Jeann A. Gildo https://guroph.com/is-it-right-that-we-remove-filipino-from-college-curriculum/#comment-10843 Mon, 19 Apr 2021 19:06:03 +0000 https://guroph.com/?p=81#comment-10843 Hindi aku sang-ayon na alisin ang asignaturang filipino sapagkat hindi lamang ito nababase sa pang edukasyon nang bawat isa kundi para na rin sa atin at maging sa mga sumusunod na henerasyon. Sapagkat pagmawala ito nababaling ang atensyon sa isang estudante sa ibang asignatura at hindi na nila bigyan pansin ang sariling atin na pinaglaban nang mga sinaunang mga bayani natin sa bansa. Kung ano man kinalabasan ngayon mas lalong mawawalan na nang halaga ang isang asignatura sa susunod na henerasyon. Ang ating sariling wika ang ating mas mamahalin sa paglaki nang isang pilipino na pamaunlad pa ito sa ating henerasyon. Sabi nga nang ating bayani na si Doktor Jose Rizal kung hindi marunong magmahal nang kanyang sariling wika ay mas higit pa sa mabahong isda. Dahil mas pinapairal pa natin ang ibang linggwahe at hindi sa atin. Maswerte tayo ay nagkakaisa sapagkat meyron tayong iba’t ibang wika na ginagamit pero mas nagkakaintindihan ang isa’t isa dahil sa wikang tagalog. Kaya dapat hindi natin baliwalaen ang pagkawala nang isignatura nang Filipino dahil para sa ating kinabukasan at sa ating susunod na henerasyon.

]]>
By: Jephte M. Pepito https://guroph.com/is-it-right-that-we-remove-filipino-from-college-curriculum/#comment-10811 Tue, 13 Apr 2021 02:53:25 +0000 https://guroph.com/?p=81#comment-10811 Para sa akin, hindi ako sang-ayon na alisin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo. Sa aking palagay malaki ang magiging epekto nito sa unibersidad lalong lalo na sa mga mag-aaral. Ginagamit natin at tinuturo sa atin ang Filipino sa elementarya, sekondarya, at pati narin sa senior high.
Malaking pagbabago kung aalisin ang asignaturang Filipino marami itong magiging negatibong epekto kagaya ng, hindi na paglawak ng ating kaalaman pagdating sa gramatika sa Filipino dahil ‘di naman lahat ng Pilipino ay alam ang dapat na gramatika sa Filipino; Ang wikang Filipino ang nagsisilbing nagbubuklod sa atin at kung mawala ito hindi na tayong magkakaisa dahil iba-iba na ang mga wikang ginagamit; Sa mga estudyante naman na gustong maging guro ng Filipino o ang kurso nila ay nakabatay sa wikang Filipino, mawawalan sila ng landas at mag-iiba sila ng kurso yaong mga nagsimula na na malapit na matapos babalik na Naman sa simula dahil Wala ng asignaturang Filipino at Kung mangyayari yun mawawalan na ng importansya ang Filipino sa buhay natin.
Pero may mabuti o positibong epekto naman kung tatanggalin ang asignaturang Filipino, at ito ay ang mas magbibigay ng kalayaan sa mga mag-aaral na kumuha ng iba pang subject na naisin nila at mababawasan rin ang hirap ng mga estudyante sa mga proyekto at pag-aaral.
Sabi kasi ng mga kinauukulan, bukod sa nararapat na raw natutunan ito ng mga estudyante noong sila’y nasa elementarya at high school. Sabi naman ng nakararmi na maituturing daw itong lantarang pagpatay sa pagiging makabayan at makabansa ng mga kabataan. Na kung saan ay tama naman, sabi nga ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda”.
Ang bawat lahi ay may kanya kanyang wika bawat bansa ay may kanya kanyang wika na ginagamit. Ganon din tayo dito sa Pilipinas may sarili tayong wika at kultura na dapat nating tangkilikin. Hindi Naman masama kung tumangkilik ng ibang wika o kultura, Ang mahalaga ay wag nating alisin o kalimutan na mayroon ding tayong wika, panitikan at kultura. At dapat mahalin natin ito.
Muli hindi ako sang-ayon na alisin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo. Huwag nating sayangin o palitan ang wikang pinaghirapan na ipinaglaban ng ating mga ninuno laban sa mga banyaga nuon. Kaya, hindi dapat natin patayin Kung ano Ang sa atin bagkus ito ay gamitin, paunlarin at pagyamanin. HUWAG ALISIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO!

]]>
By: Lucylle Joy Bomotano https://guroph.com/is-it-right-that-we-remove-filipino-from-college-curriculum/#comment-10810 Mon, 12 Apr 2021 15:08:58 +0000 https://guroph.com/?p=81#comment-10810 Ang aking opinyon ukol sa isyung panlipunan na “Dapat na bang tanggalin ang Filipino subject sa College Curriculum?” hindi po ako sang-ayon sa isyung ito, dahil para po saakin malaki po ang tulong ng Filipino sa ating pag-unlad. Filipino subject simula elementarya hanggang sekondarya ay nababasa, nalalaman at masasalamin na natin ang ating kultura at panitikan, dito rin tayo natuto at naging bihasa sa wikang Filipino. Sapat naba ang natutunan mo upang ito ay tanggalin? Para saakin ay hindi, dahil ang Filipino subject sa kolehiyo ay upang mapaunlad pa natin ang ating kaalaman at madami pa tayong matutunan sa sariling atin. Hindi ko lubos maisip bakit tatanggalin ng CHED ang Filipino subject sa kolehiyo, kung pwede naman itong paunlarin at palawakin pa ang kaalaman ng mag-aaral. Dito tayo nakilala, dito tayo umunlad, bakit di natin paunlarin at mahalin ang sariling atin. Kung kaya natin aralin at mahalin ang wika ng ibang bansa, bakit hindi natin aralin muna at mahalin natin ang sariling atin. Sabi nga ni Dr. Jose P. Rizal ” ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabahong isda. Tayong mga Pilipino lang din ang magtutulungan sa huli, kaya huwag natin kalimutan at patayan ang sariling atin.

]]>
By: Lovely R. Casundo https://guroph.com/is-it-right-that-we-remove-filipino-from-college-curriculum/#comment-10768 Sun, 04 Apr 2021 00:05:01 +0000 https://guroph.com/?p=81#comment-10768 Bilang isang Pilipino na pinapahalagahan ang ating kultura at wika, katulad ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino at Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining, ako rin ay hindi sumasang-ayon na alisin ang asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Ang Filipino ay napakahalagang asignatura sapagkat nakabuhol ito sa ating kultura. Sa pagpapatanggal nito, unti-unting mawawala at mamamatay ang ating identidad sapagkat para na rin nating tinanggalan ng pagkakakilanlan ang mga mamamayang Pilipino. Dagdag dito, nanganganib na bumaba ang kalidad ng wikang pambansa kapag inalis ang asignaturang Filipino sa mas mataas na antas ng edukasyon. Napakahalaga ng asignaturang ito sa atin sapagkat napakalaki ng papel na ginagampanan nito upang mapanatili ang isang pambansang kamulatan at pagkakakilanlan. Sa dami ng taong lumipas na ipinaglaban at ipinatupad ang wika bilang isang nagbubuklod sa buong bansa, handa ba kayong tanggalin ito at yakapin ang wikang sumunod lamang sa ating inang wika?

]]>