Skip to content

An open letter to DepEd “Vaccine Muna Bago Eskwela”


Isang open letter sa DepEd ang naging viral sa social media na may pamagat “Vaccine Muna Bago Eskwela” ayon sa source ito ay sinulat ni Sir Christopher pagkatapos ilabas ang DepEd School Calendar para sa school year 2020-2021.

Basahin sa ibaba ang buong liham. Huwag kalimutang mag comment at e share pagkatapos basahin :).


“VACCINE MUNA, BAGO ESKWELA”



I am speaking as a parent / teacher, Hindi pwedeng neutral lang o wala tayong kibo sa gusto ng mga DepEd officials. Buhay ang pinag-uusapan dito.

Kapag nagkaroon ng local transmission habang nasa byahe o daan ang mga anak natin o kaklase nila, sobrang delikado. Even teachers as well. Hindi pwedeng by the book or by law tayo babase dahil hindi nakasulat sa libro o sa batas kung sino at saan makakarating ang virus na yan.

We need to postpone schooling, not because tinatamad tayo, it is because malalagay sa alanganin ang buhay ng ating mga anak, pati ng mga empleyado. At paano tayo magiging matapang e wala namang sinisino ang virus? Sa isang iglap pwede itong kumitil ng buhay. Ang mga anak natin ay regalo ng Diyos na dapat ingatan lalo na’t wala pang vaccine.

Wala akong makitang panatag na solusyon na inihahain ng lider natin. Ang weakness nito ay nasa pagitan ng pagpasok at pag-uwi ng bahay ng mga bata. Sa daan, dito mas vulnerable sila sa virus.



Huwag nating banggain si COVID-19 at ipagpilitan ang modern technology. Hindi pa natutuklasan ang technology na tatapat sa kanya. Nasa proseso palang ito ng testing (vaccine). Kailangan lang nating maghintay. And the best way to wait ay sa bahay, not sa school.

To think na hindi pa capable ang lahat para sa online study. Maraming maiiwan at kapag gano’n, magkakaroon ng gap ang mga batang walang Internet at computer sa mga batang meron. Malamang ang mga nasa private school meron yan. Ang mga guro ay pwedeng gumawa ng mga visual aid, PowerPoint, videos para sa mga topic nila sa school habang naghihintay din ng vaccine.

Everyone of us. Lahat tayo vulnerable. Walang bansa na mayaman ang nakaligtas kahit moderno na sila. Huwag natin isugal ang kaligtasan ng mga anak natin. Magsisisi tayo sa huli lalo na kung nag-iisang anak lang yan.

Naiinis akong isipin na puro talino, puro cognitive, at puro suntok sa buwan ang mga plano. Wala akong makitang wisdom mula sa kanila. Pro life sana. Pro safety.



Napakarami nilang natatanggap na tanong at reklamo dahil maraming flaws ang solusyon nila. The best solution is to stay at home and wait for the vaccine. Walang flaws yan kung preventiom ang pag-uusapan.

Sana po bilang magulang, nauunawaan ng mga DepEd officials na secondary na lang muna ang education ngayon. Mas priority ang buhay ng mga bata.

Bakit ba ayaw nilang isama sa choices ang STAY AT HOME? May pinoprotektahan ba silang private schools? Income? May ‘plan B’ ba sila kung nagkaroon ng infected na bata at guro? Sagot ba nila ang gastos sa ospital? Maibabalik ba nila ang buhay ng mga anak natin o ng mga guro? Ihahatid ba nila sa bahay ang ating mga anak at susunduin araw-araw.

Para wala na silang intindihin pa at mag-create ng maraming complications, much better…



VACCINE MUNA BAGO ESKWELA!


Nais naming marinig ang iyong opinyon sa liham na ito mag comment sa ibaba at e share na rin sa iyong mga kapamilya.



RECOMMENDED


15 thoughts on “An open letter to DepEd “Vaccine Muna Bago Eskwela””

  1. Yun po preschool need classroom set up. Ang class rules ay sa palagay ko mainam kng tcher ang kaharap lalo n po saming parents n d nmn kaya tutukan ang bata. May trabaho din kami. Saka at their age malinaw npo this is a haus not a school. May distinction npo cla n c tcher mgtuturo d c mami kaya d rin po madali pasunurin ang preschool. Next yr npo sana ang preschool.

  2. Cherry Ann Dalisay

    opo,tama po yan. nakakatakot naman po talaga kung ang mga bata pa po ang maging second wave ng covid 19 di po ba? napakahirap po sa magulang na mawalan ng mahal sa buhay lalo na at anak na ang pag uusapan. saka sa hirap po ng buhay ngayon talagang di namen kakayanin ang gastos. problemado na nga po kami sa walang trabaho ang miyembro ng pamilya namin at saan kami kukuha ng kakainin tapos kung dadagdag pa po iyan. lahit isang taon lang naman po wala naman sigurong mawawala. opo,mawawala ang 1/4 ng buhay ng bata dahil sa matitigil sa pag aaral pero mas mawawala po ng buo ang buhay ng tao kapag nagkaroon ng nakamamatay na covid 19.

  3. tama lang na ipostpone ang school year this year mahirap irisk ang buhay ng mga bata sana mga nasa public school din iniisip nila hindi lang private schools. and tama naman po hindi lahat makakasabay sa virtual discussion since hindi po lahat e may desktop laptop or any advance mobile phones. mahalaga ang kalusugan ng ating mga anak kesa isapalaran. ang buhay iisa lang. and edukasyon makakapag intay yan.

    1. Sna nga po ipagpaliban muna amg schooling ng mga bata.lalo nat delikado pa at wla png gmot sa bakuna.at isa pa wladi rin lhat ng mga bta may mga sariling gadgets,celphone,computer,laptop.di rin lhat may internet or png data load.sna maintindihan po ninyo mam sir.suggestion ko lng po yan.kong yan po ang mkakabuti pra sa lhat.slmat and godbless

  4. Christopher Coranez

    i agree i have to daughter na nag aaral sa private school nsabihan na kmi ng mga teachers na ppasok may pasok na this coming september, ang una kong tanong ano assurance nila na safe ang anak nmin outside at papano kung mag kasakit ang mga bata? my point is ung DEPED dapat safety first ang isipin nila para sa mga bata and teachers kasi iisa ang buhay..vacine muna bago eskwela.

  5. Tama. Suntok sa buwan ang plano. Buhay ang priority lalo sa kabataan, you better think so many considerations. Huwag maging selfish, this is a matter of life and death. God bless us.

  6. Pareho po tayo ng opinyon.
    Mahalaga ang buhay sapsgkat minsan lang po tayo dadaan sa mundong ito ksama ng ating mga mahal sa buhay.
    Bakit di muna pag isipang mabuti bago tayo isabak sa kalaban na di natin nkikita?
    Mahalaga ang karunungan ngunit san pa ito gagamitin kung wala ka ng “BUHAY”
    It’s better to stay safe .

  7. I agree. Yung simpleng cold and cough nga lang ang bilis makahawa sa classroom, kasi even may sakit mga bata pinappasok pa rin natin..so the risk is also sa loob ng school. I am disappointed din kasi sayang ang 1 year that they will skip but in the end ok na yon than we lose them to COVID forever..

  8. Tama po dapat pag paliban po muna Ang eskwela. Mga magulang din nman po Sila dapat Alam nila nararamdaman nating mga magulang Kung bakit Tayo tutol sa pag bubukas ng klase sa August Sana Isa alang alang nila kaligtasan ng mga Bata kesa sa kagustuhan nila.

  9. Classroom setup? Big NO! On line? Napakagandang pakinggan. Pero kumusta po ang financial status ng mga magulang, ang kakayahan nila i provide ang gadgets na kakailanganin? Marami na me cellphone kakayanin nila un. Cge pero paano ung mas nakararami na isa lng CP meron sa pamilya at 3 o 4 ang mga mag aaral sa isang pamilya. Paano na? Ang load pra makapag on line sino mag po provide. Kkyanin ba ng magulang? Sa panahon ngayon na napakaraming nawalan ng trabaho at walang kasiguruhan ang trabaho sa plagay ko pagkain muna ng mga bata ang uunahin bago ang edukasyon. Pra sa inyong me kakayahan at sigurado ang hanapbuhay oo madali un. Paano naman kami nakararami ? Iyon nga lang pagkain sa mga susunod na araw, linggo at buwan hindi na alam kung saan kukunin mlaking problema na. Hindi ba at ngayon pa lang me namamalimos na? Gaano katagal ba tayo kkyanin suportahan ng gobyerno? DEPED sana ay isa alang alang nyo ang damdamin at kalalagayan ng mga magulang.Iyong pangbayad nga sa kuryente malaking katanungan pa sa nakararami kung saan nila kukunin ang pangbayad, ang mga nangungupahan na naubusan na rin ng pangbayad sa renta ng bahay dahil trabaho ay wala pa ring kasiguruhan kung me babalikan pa silang pagkakakitaan. Ang sabi ng isang anchor sa tv: “kung me natitira pa kayong hawak na pera tipirin ninyo dahil hindi natin alam kung hanggang kailan ang PANDEMIC na ito.” Paano ung mga wala ng hawak na pera? Paano na? Maiisip nyo pa ba ang edukasyon sa panahon na ito? MAG ISIP ISIP PO KAYO! HINDI NYU PO KAMI NATUTULUNGAN.

  10. Nauunawaan ko po na, as an a agency or a department of the government, the DepED needs to implement its programs, platforms & advocacies in compliance to the mandate of higher authorities and to sustain its vision and mission. But DepED Officials need also to listen and consider the clamor and sentiments of most teachers and parents for the protection of their pupils and children from this pandemic or COVID threat. Tama po ang kasabihang, “Kung gusto may paraan, kung ayaw, maraming dahilan”. Gusto ng DepED opening na sa August whether vaccine would be available or not kaya gumagawa sila ng paraan. Ayaw pa ng ilang teachers & parents at may iisa lang naman silang dahilan – dapat may paniguradong ligtas ang mga anak na papasok sa paaralan. If vaccine would already be available before August, so be it.

  11. Masyado nang magulo ang mundo dahil sa COVID pandemic na ito pero mas naguguluhan pa kaming mga magulang kung ano ang idedesisyon namin tungkol sa oag aaral ng mga anak namin. BIG NO daw sa face to face schooling dahil imposible nga naman na may nagtuturo na naka face mask, social distancing at naka facemask din mga pupils o students hindi na magkakaintindihan lalo na pag maingay o magulo mga bata, pag labas ng classroom wala ng facemask, wala ng social distancing. Anong oras pa makakapasok mga bata sa classroom sa haba ng pila? Maghapon na pila! Kaya imposible talaga kaya wag na natin iconsider yan. Next, online schooling naman, hindi lahat ng pamilya may computer o gadgets na pwede sa online schooling, karamihan pumupunta sa computer shops(na kailangan pa rin nila lumabas ng bahay), sa experience ko, hindi madaling magturo ng bata lalo na alam nilang hindi tayo talaga teachers, nakaka stress, pagod din tayo sa trabaho dagdag pa ang pagtuturo, kaya nga natin sila pinapapasok sa school para teachers ang magturo.
    May mga schools na nag post ng mga banks na pwede daw pagbayaran ng tuition fees, naintindihan namin kayong mga teachers at schools na kailangan nyo ng income, pero pumasok ba sa isip nyo o naintindihan ba naman ninyo kaming mga nawalan ng trabaho at walang pangkain? Dyos ko naman! Pang tuition pa kaya?
    Sa panahong ito wala ng sisihan, dapat mag tulungan tayo at magkaisa kung ano nga ang tamang gawin. Hindi na siguro importante kung mahuli man ang mga anak natin sa pag aaral, ang mahalaga safe sila at ligtas sa virus na ito. May nag aaral nga ng law na 70yrs old na, bakit naman si Mayor Isko Moreno, hindi nakapag tapos ng pagaaral eh isa ng mayor ng manila ngayon. Wala sa edukasyon yan, nasa tao yan. Papano nila maaabot ang tugatog ng tagumpay kung patay na sila sa COVID? Kaya agree ako sa vaccine muna bago pag aaral. Hayaan muna nating makapag ipon mga parents ng pambayad ng tuition fee. Maswerte lang mga parents na nagtatanong kung saan at papano daw magbabayad balance ng mga anak nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *