Kasabay ng mga pagbabago sa mga paraan ng pagtuturo at iba’t ibang learning modalities, ay ang pagbabagong kalakip sa pagmamarka ng mga activities at pagsusulit sa bawat asignatura.
Paano nga ba ang batayan ng pagmamarka ngayong distance learning?
Bagaman may pagbabago na nakalaan para sa sistema ng K12 Curriculum para sa mas mabigat na porsyento ng Formative assessments o yung mga activities sa proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral ng bawat aralin (gaya ng seatworks, quiz, assignments, projects at iba pa) kumpara sa Summative assessment (Quarter/Periodical Examination), iba na din ang sistema ng pagmamarka para sa modular, online, at blended learning. Bilang konsiderasyon sa kooperasyon ng mga magulang o guardian na gumagabay sa mga mag-aaral sa bahay sa kanilang pag-aaral, ang pagmamarka ay tatanggap din ng feedbacks, suggestions, at komento galing sa kanila.
Nakasaad sa Deped No. 031 s. 2020 na inilabas lang nitong ika-02 ng Oktubre, ang mga guidelines na dapat sundin ng bawat pribado at pampublikong sector ng edukasyon ukol sa tamang pagmamarka sa mga mag-aaral.
[Basahin: Interim Guidelines for Assessment and Grading in Light of the Basic Education Learning Continuity Plan https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2020/10/DO_s2020_031.pdf ]
Makikita sa guidelines na ito na maging ang mga assessment tools ay nahati sa iba’t ibang strategy. Iba ang magiging takbo ng graded activities ng formative at summative assessments ng bawat asignatura.
Para sa face-to-face learning, mas bukas at malawak na activities ang maaaring pagbatayan ng malaking porsyento ng marka.
Para naman sa online learning, ang mga formative assessments ay batay sa mga pinapasang online activities kadalasan ay naipapagawa para sa tinatawag na asynchronous time (self-phased time o oras para sa mga gawaing hindi live o actual time).
At para naman sa modular learning, nakabase ang malaking porsyento ng marka sa mga pinapasang module na maaaring Haluan ng mga multimedia activities na posibleng maipasa.
Para makita ang iba pang detalye sa pagmamarka para sa ‘New Normal’ ng Edukasyon, gaya ng rubrics, portfolio, at iba pa, basahin ang DO_s2020_031.