Skip to content

“Sagot for Sale” sa mga modyul, iimbestigahan

  • by

Paiimbestigahan ng Department of Education (DepEd) ang kumakalat na balita ukol sa “Sagot for Sale” na kalakaran kung saan may mga taong binabayaran ang mga magulang upang sagutan ang modyul ng kanilang mga anak.

Ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, mayroon nang mga taong itinalaga dito upang mag-imbestiga at upang i-validate ang report na ito. Nabanggit din ni San Antonio na hindi kukunsintihin ng kagawaran ang mga gurong nagbebenta ng mga sagot at sumasagot mismo sa mga modyul.

Samantala, hindi parin pinapayagan ang limited face-to-face sa mga paaralan.



Read: Deped calls for in-person classes



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *