Photo Courtesy: Official Facebook Page of Inday Sara Duterte
Manila- napagdesisyunan na ng Komite ng Kamara na alisin na ang confidential funds para sa mga ilang civil departments kabilang ang Office of the Vice President at Department of Education.
Ayon kay Appropriations Committee Chairperson Elizaldy Co; napagdesiyunan ng komite na ilipat ang pondo sa pagpapa-igting ng seguridad sa West Philippine Sea, kung saan aabot sa P1.23 bilyong confidential funds ang nailipat sa 2024 General Appropriations Bill ng mga pangunahing ahensiya na nagbabantay sa teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea katulad ng:
- National Security Council: P100 milyon
- National Intelligence Coordinating Agency: P330 miyon
- Philippine Coast Guard: P200 milyon
- Department of Transportation: P381.8 milyon
Samantala, naglaan parin ng pondo ang Kamara para sa mga sumusunod na ahensiya upang gamitin para sa Maintenance and Other Operating Expenses:
- DFA: P30 milyon
- DICT: P25 milyon
- Bureau of Fisheries and Aquatic Resources: P30 milyon
- Office of the Ombudsman: P50 milyon
- DepEd: P150 milyon
Pinagdiinan naman ni Rep. Co na naglaan sila ng P194 bilyong amenedments sa 2024 General Appropriations Bill upang malabanan ang pagtaas ng inflation rate at bilang “puhunan para sa kinabukasan ng bansa”.