Kinukuwestiyon ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang Department of Education (DepEd) kaugnay sa kawastuhan ng 99% na passing rate ng mga mag-aaral sa Quarter 1 ng School Year 2020-2021 sa ilalim ng distance learning.
Ayon sa ACT, mayroong 25 milyong estudyante ang naka enroll sa Academic Year 2020-2021 at ang datos na iprinisinta ng DepEd sa Senate Committee on Basic Education ay katumbas lamang ng 14.5 milyong estudyante. Ibig sabihin, mayroong sampung (10) milyong estudyante pa ang hindi kalahok sa datos.
Hiniling naman ng grupo sa DepEd officials na tigilan ang paglabas ng mga maling impormasyon para pagtakpan ang kapalpakan ng distance learning. Kundi, bigyang tuon ang pagpapatupad ng repormang pang-edukasyon upang maisalba ang natitira pang tatlong quarter sa taong ito upang masigurado ang kalidad na eduskayon para sa lahat.
Read more: 99.13% ng mag-aaral,pasado sa Q1 ng S.Y. 2020-2021