Skip to content

Abutin Na10: Para sa Sampung Milyong Mag-aaral


Sa pagpasok ng Brigada Eskwela at Oplan Balik Eskwela National Kick Off nang ika-01 ng Hunyo, 2020 ay ang pagsalubong ng mga proyekto at programang inihain ng Department of Education (DepEd) para sa mga mag-aaral, guro at maging mga magulang – isa na dito ang “Brigada Pagbasa Project Initiative” kung saan ay nagsimula din ang donation drive na pinamagatang “Abutin Na10, PARA SA SAMPUNG MILYONG MAG-AARAL: Sampung Piso, Sampung Araw Sampung Milyong Filipino.”    

Layon ng proyekto na ito na mangalap ng pondong makatutulong bilang suporta para sa DepEd Learning Continuity Plan. Ilan sa mga maitutulong nito ay ang para sa gastusing gagamitin para sa printing ng mga self-learning materials (modules) at para makabili ng mga gadgets na mailalaan para sa higit na sampung milyong mag-aaral sa bansa. Kinabilangan ng mga corporate partners nito ay ang World Vision, Rex Bookstore, Petron, Seaoil, Unilever at AppNexus.

Nangangalap ang proyekto na ito ng higit sampung concerned Filipinos upang magdonate sa pinakamababang halagang isang daan. Tumatanggap ang proyekto ng donasyon gamit ang Bank Deposit, GCash (via QR Code), PayMaya (via QR Code), Joy to Give (an online WV Fundraising platform), Lazada, Shopee, at iba pang partner e – commerce sites.



Kabalikat ng DepEd ang World Vision sa mga programa at proyektong inilunsad para sa paghahanda sa darating na pasukan ng taong 2020-2021. Ilan sa mga ito ay ang ngayo’y ikalimang taon na ng ‘Brigada Pagbasa’ Program, distribution of printed instructional packets (assisting in the digitization of reading materials), Pro Futuro Digital Education Project, Brigada Pagbasa LITE (Learning In Times of Emergencies) at iba pa, na makikita sa official page ng DepEd.

[TIGNAN: https://www.worldvision.org.ph/abutin-na10/  ]



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *