Sinubok man ng limitasyong dulot ng pandemya ay nagbuklod ang Komisyong Wikang Filipino (KWF) upang ilunsad ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2020 ngayong Agosto na may pangunahing tema na “Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika” Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya.
“Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay nilikha upang magsagawa, mag-ugnay, at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika sa Filipinas. Ang Batas Republika Blg. 7104 ay ang batas na lumikha sa Komisyon sa Wikang Filipino na nagtatakda ng mga kapangyarihan nito, mga tungkulin at mga gawain, naglalaan ng gugulin ukol dito at para sa iba pang mga layunin.”
[TIGNAN: https://kwf.gov.ph/gabay-ng-mamamayan/ ]
Ilan sa mga pinagpatuloy na programa ay ang KWF GAWAD DANGAL NG PANITIKAN 2020, KWF GAWAD DANGAL NG WIKA 2020, GAWAD KWF SA SANAYSAY NG TAÓN, at MAKATA NG TAÓN 2020 na makikita sa official website ng KWF.
Ilan naman sa mga pinagpaliban na mga gawaing pangwika ay ang KWF Kampeon ng Wika 2020, iKabataan Ambasador sa Wika 2020, KWF Gawad Jacinto sa Sanaysay 2020, KWF Travelling Exhibit 2020, at Tertulyang Pangwika grant.
Sa pamamagitan ng paghiling ng mga memorandum mula sa DepEd, CHED, DILG, CSC, at NCIP, ginaganyak ng KWF ang mga indibidwal, institusyon, at organisasyong publiko at pribado na magpatupad ng sumusunod na programa na angkop sa kani-kanilang komunidad.