Sa isang survey na aming isinagawa sa COMMONS PH group na may higit 1.6 milyon na miyembro upang malaman ang ibat’ ibang klase o karakter ng guro sa paaralan, nakapagtala kami ng dalawampung (20) karakter ng isang guro ayon sa ginawang poll options.
Ayon sa survey, pinakamataas ang “ Si Business Wo-Ma’am” na nakakuha ng 485 na boto at pinakamababa naman ang “ Si Ma’am na may favorite student” na may isang boto.
Narito ang Top 20 klase ng guro sa paaralan ayon sa Poll Option sa nasabing grupo.
- Si Business Wo-Ma’am
- Si Ma’am-Talino
- Si Ma’am na madalas Umutang
- Si Ma’am-ganda
- Si Ma’am ka-Diyos
- Si Ma’am na career is life
- Si Ma’am-sungit
- Si Ma’am Hugot
- Si Ma’am na 90% Activity, 10% Turo
- Si Ma’am na mahilig sa Tiktok
- Si Ma’am na magaling mag-comfort ng students
- Si Ma’am-tanong
- Si ma’am na favorite ni Principal
- Si Ma’am na lagging hinihintay ang Bonus
- Si Ma’am na pala-kuwento
- Si Ma’am na music lover
- Si Ma’am na make up is life
- Si Ma’am-tamad
- Si Ma’am na introvert
- Si Ma’am na may favorite student
Ang mga nabanggit ay maaaring karanasan o obserbasyon ng mga nakilahok sa survey na ito. Bagamat maraming negatibong resulta, naipahayag naman ng isang miyembro ang magandang pananawa sa guro ng kanyang mga anak.
“Swerte kame sa mga ma’am at sir namin mga matatalino kahit online class Mami parin silang naituro pati mga nanay natuto super proud ako sa lahat ng online teacher ng mga anak ko masipag bawing bawi Ang load” – Jocel Lyn
Samantala, malaki ang nagagampanan ng mga guro sa paghubog sa pag-iisip ng isang mag-aaral kaya masasabing tanyag ang propesyon na ito lalo pa at iba’t ibang klase ng mga mag-aaral ang kanilang tinuturuan.
Basahin: DepEd to teachers: Give “reasonable” workload to learners