Top 20 klase ng guro sa paaralan

  • by

Sa isang survey na aming isinagawa sa COMMONS PH group na may higit 1.6 milyon na miyembro upang malaman ang ibat’ ibang klase o karakter ng guro sa paaralan, nakapagtala kami ng  dalawampung (20) karakter ng isang guro ayon sa ginawang poll options.

Ayon sa survey, pinakamataas ang “ Si Business Wo-Ma’am” na nakakuha ng 485 na boto at pinakamababa naman ang “ Si Ma’am na may favorite student” na may isang boto.

Narito ang Top 20 klase ng guro sa paaralan ayon sa Poll Option sa nasabing grupo.



  1. Si Business Wo-Ma’am
  2. Si Ma’am-Talino
  3. Si Ma’am na madalas Umutang
  4. Si Ma’am-ganda
  5. Si Ma’am ka-Diyos
  6. Si Ma’am na career is life
  7. Si Ma’am-sungit
  8. Si Ma’am Hugot
  9. Si Ma’am na 90% Activity, 10% Turo
  10. Si Ma’am na mahilig sa Tiktok
  11. Si Ma’am na magaling  mag-comfort ng students
  12. Si Ma’am-tanong
  13. Si ma’am na favorite ni Principal
  14. Si Ma’am na lagging hinihintay ang Bonus
  15. Si Ma’am na pala-kuwento
  16. Si Ma’am na music lover
  17. Si Ma’am na make up is life
  18. Si Ma’am-tamad
  19. Si Ma’am na introvert
  20. Si Ma’am na may favorite student

Ang mga nabanggit ay maaaring karanasan o obserbasyon ng mga nakilahok sa survey na ito. Bagamat maraming negatibong resulta, naipahayag naman ng isang miyembro ang magandang pananawa sa guro ng kanyang mga anak.

“Swerte kame sa mga ma’am at sir namin mga matatalino kahit online class Mami parin silang naituro pati mga nanay natuto super proud ako sa lahat ng online teacher ng mga anak ko masipag bawing bawi Ang load” – Jocel Lyn

Samantala, malaki ang nagagampanan ng mga guro sa paghubog sa pag-iisip ng isang mag-aaral kaya masasabing tanyag ang propesyon na ito lalo pa at iba’t ibang klase ng mga mag-aaral ang kanilang tinuturuan.

Basahin: DepEd to teachers: Give “reasonable” workload to learners





RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *