Skip to content

Ang sulat ng pribadong guro

  • by

Isang sulat mula sa pribadong guro ang kumalat at nag-viral sa social media. Kanyang isinalaysay ang kasalukuyang kundisyon ng mga guro na nasa pribadong paaralan.

Sabi niya sa kanyang liham, “Paano na kami? Ano ng maisasahod namin dahil kabilang kami sa ‘no work, no pay’ policy.” Hindi madali ang ang sitwasyong dinadaanan ng mga pribadong guro pero umaasa kaming silay mapansin at matulungan.

Basahin ang kabuuan ng sulat sa ibaba:



PRIVATE SCHOOL TEACHER

“Walang yayaman sa pagtuturo. Walang mayaman na guro.”

Iyan lang naman ang mga salitang naririnig ko kapag pinag-uusapan na ang pagiging isang guro.

Totoo nga, walang yumayaman sa pagtuturo, at walang mayamang guro.



Sa panahon ngayon patuloy na pinaglalababan ang virus na hindi nakikita at walang nakakaalam kung kailan tuluyang masusugpo at matatapos.

Sa katunayan, ngayon lang ay idineklara ang muling pag-eextend ng Enhanced Community Quarantine at wala pang kasiguraduhan na matatapos ito sa May 15.

Ang tanong, paano na ang isang guro?

Nakakatuwa, nabigay na o mabibigay na ang sahod ng guro, ang christmas bonus at uniform allowance. Yes! Magandang balita…



magandang balita sa mga guro na nasa public school at nakakalungkot naman sa kabilang banda sa mga nagtatrabaho sa private school.

Usapin narin kung kailan ang muling pagbubukas ng pasukan, malabong sa June magsisimula at may nagsasabi na sa buwan ng August, September, December at may nagnanais pa nga na i-kansela ang school year 2020-2021.

Ang tanong ng isang guro na nagtatrabaho sa private school,

“Paano na kami? Ano ng maisasahod namin dahil kabilang kami sa ‘no work, no pay’ policy.”



Nakakalungkot, bilang isang guro ng pribadong paaralan, isang propesyonal at nangarap na maging daan para sa kinabukasan ng mga kabataan pero sa realidad ay hindi napapansin sa lipunan.

Minsan napapaisip narin ako,

“Bakit nga ba pagiging guro ang pinasok ko?”, habang pinagmamasdan ang pamilya na wala kang magawa dahil wala kang maitulong sa kanila sa gitna ng sakuna.

Sana naman, mapansin din ang mga nasa pribadong guro. May pamilya po kami, at naapektuhan din sa sitwasyong ito.

Wag sanang dumating sa punto na sasabihin ng isang guro,



“Kailangan ko na sigurong maghanap ng ibang trabaho. Panahon na sigurong bitawan ang sinumpaang pangako.”

-srdyys



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *