Skip to content

Bakit nga ba G na G si teacher sa KPL Series?

  • by

“PANOORIN NATIN ANG LAHAT NG PANIG BAGO MAPRANING!”
(VinCentiments sa mga kaguruan)          

Napanuod na namin lahat ng malinaw, simula Parents Rant, Teachers Rant, at Student Rant pero hindi kami napraning, talagang may mali na dapat itama.       
(Ang boses ng kaguruan sa bansa)

[BASAHIN: https://web.facebook.com/SAWAKASBRIEFS/photos/a.1840787836227599/2454774944828882/ ]

Sensitive at OA naman ang mga teachers” – Common na reaksyon ng netizen, tagasubaybay man o hindi ng SAWAKAS, shortfilm productions na mas kilala sa official page nila na ‘VinCentiments’ dahil sa inilabas nilang panibagong KPL series kung saan brutal at malupitang tinuligsa ang online learning gawa ng mga suliranin at balakid sa pagpapatupad nito.



Ilan lamang sa mga balakid ay ang hindi komportableng set-up sa bahay mapamag-aaral man o guro, makasabay lamang sa online learning; ingay sa kapaligiran, impormal na sitwasyon sa loob ng bahay, unstable internet connection, at mapanuring guro na nakadepende lamang sa reporting at PowerPoint presentations.

Kakatwa man para sa iba ang atake ng prangkang video na ito na nagpapakita ng rants ng bawat anggulo ng magulang, guro at mag-aaral patungkol sa online learning, ay hindi pa din katanggap-tanggap ang impluwensyang dulot nito sa kabataan.

Imbis na mamulat ang lahat sa katotohanan at solusyon, ay lalo pang nagliyab ang problema at gulong dulot nito sa kaisipan ng mga hindi lubos nakakaunawa sa mga inihahaing mabibigat at puspusang paghahanda hindi lang ng gobyerno, kundi mga sanggay nito, ang Department of Education, ang samahan ng lahat ng punongguro at kaguruan sa buong bansa, pati na ang mga magulang na taos pusong tumutulong upang mapagaan ang shifting at adjustments dulot ng ‘New Normal’ ng edukasyon na hindi lang naman sa Pilipinas nagaganap kung hindi sa buong mundo.

Isa pang masakit dito ay ang hindi naipaliwanag ng mabuti at malinaw ang iba pang mga learning modalities bukod sa online learning. Ilan dito ay ang mga modules na walang humpay na pinagpupuyatan, dugo’t pawis ng mga guro mapapribado o pampublikong sektor man ng edukasyon sa bansa. Mayroon ding mga media broadcast na gagamitin bilang educational platform.



Sa madaling salita, madaling paraan at solusyong hindi maidadaan sa maingay at mapanirang kritisismo.

Sarado ang isip ng mga taong hindi tumatanggap ng pagkakamali. Kung ganito ang depinisyon ng ilang grupo sa sining ngayon, ang pamamahiya ng mga taong mararangal ang trabaho, ang sining pala ay malayo na sa katotohanan at silbi nito sa lipunan.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *