Skip to content

DepEd at NTC magkabalikat para sa Sulong Edukalidad


Sinigurado ng DepEd ang suporta ng National Telecommunications Commission (NTC) sa pagpapatupad ng Section 9 Republic Act No. 8370 “Children’s Television Act of 1997” na nakatutok sa paglaan ng mga broadcast television networks ng 15% ng kanilang daily total airtime sa pagpapalabas ng mga programang edukasyunal na tugma sa pinag-aralang tipikal na oras ng panunod ng kabataan.

Sa pagpapalawak ng learning modalities na gagamitin ng Department of Education (DepEd) sa panahon ng distance learning, kasama ang tv/radio broadcast sa mga solusyong isinusulong ng Basic Education Learning Continuity Plan (BE-LCP) para sa SY 2020-2021.

Isa sa tatlong main set-ups ng modular at online learning ang broadcasting.



Kabalikat din nito ang suporta ng Department of Information and Communications Technology (DICT) kung saan ay binigyang diin ni Secretary Gregorio Honasan II ang mandato sa NTC bilang Section 6.3.2 Item C Memorandum Circular No. 4-08-88, sa pagpapatupad ng mga libreng programang sumasaklaw sa national and local government (including military), health and welfare, educational, cultural and civic na higit na kailangan sa panahon ng distance learning dahil sa  pandemya.

Right now, there are many programs already on television because the law requires that 15 percent of airtime for television should be devoted for children. Sisingilin natin ito,” ani Briones sa pagpupulong kasama ang Government’s Pandemic Task Force.

Nakasubaybay naman ang gobyerno sa pagpapatupad nito sa pamamagitan ng partnership sa mga television networks at community radio stations (Radyo (Pilipinas).

Ilan sa mga programa ay ang Sineskwela, Bayani, Hiraya Manawari, Epol/Apple, at Pahina na pinalabas sa pagtutulungan ng ABS-CBN Foundation, at DepEd. Bagaman mainit na usapin pa rin ang franchise renewal ng ABS-CBN ay nananatili ang pag-antabay ng DepEd para sa iba pang tv networks na kailangang tumungon sa batas na ito. Ilan pa sa mga tv networks ay ang Intercontinental Broadcasting Corp. (IBC) Channel 13, GMA (Global Media Arts or simply GMA) at iba pa.



Nagbigay ng pahayag si Undersecretary for Administration Alain Del Pascua tungkol dito kung saan ay sinabi niya, “The Department is determined to strengthen education delivery through television, whether it is through commercial broadcast TV networks, free channels, government-owned TV stations, and even cable TV networks.”



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *