Sa pagsalubong sa DepEd TV, sinimulan ang #DepEdSerye na inilabas sa online platforms. Ito ay ang serye ng mga kwentong batay sa totong buhay na magbibigay inspirasyon sa kaguruan para sa mas malalim na adbokasiya ng edukasyon sa bansa.
Bilang isa sa mga episode ng #DepEdSerye, pinamagatan itong “Mikropono” na umani ng halos libong reaksyon sa netizens at halos isang daang comments sa Facebook.
[PANUORIN: https://www.facebook.com/UsecAlainPascua/videos/835967597044743 ]
Tampok sa unang serye ay ang kaantig-antig na kwento ng isang public school teacher na si Pam Villanueva. Ang gurong ito ay nangarap dahil sa paniniwala ng kayang ama sa kanyang talento at galing sa pamamahayag. Hindi alintana ang pamantasan ng mundo, tinahak ni Villanueva ang industriya ng pamamahayag sa oportunidad na ibinigay ng DepEd para sa kaguruan.
Makikita din sa video ang pangunguna ni Paolo Bediones sa collaborative project para sa DepEd TV sa pagsasanay ng mga piling Teacher-Broadcaster Candidates.
Kalakip ng video na ito ay ang caption na:
“Kahit matagal ang proseso ng pangarap, ang mahalaga’y umuusad.”
Kasama ang DepEd TV teacher-broadcasters, at sa espesyal na partisipasyon ni G. Paolo Bediones, tunghayan ang kwentong magpapaalala sa atin na hindi pa huli ang lahat para sa’yong pangarap.
#DepEdTV #SulongEdukalidad #DepEdSerye2020 #DepEd #DepEdPhilippines #DepEdTayo #DepEdSerye
Ilan lamang ang DepEd TV sa mga proyekto at programang inilalatag ng DepEd (Department of Education) bilang suporta para sa pangarap, talento, at adbokasiya ng mga guro para sa edukasyon ng bansa.