Skip to content

Free college education ng gobyerno;kailangan ng pagsusulit?

  • by

Inirekomenda ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ilaan ang libreng tertiary education program ng pamahalaan para lamang sa mga estudyanteng may kalidad na nakapasa sa isang pagsusulit. Layunin nitong malabanan ang pagtaas ng bilang ng mga college dropout.

Ayon kay Diokno, ang pagbibigay ng libreng tuition sa lahat ng estudyante ay hindi epektibo at malabisang pag-aaksaya dahil hindi lahat ng mag-aaral ay totoong committed sa kanilang pag-aaral.

Batay sa datos mula sa Commission on Higher Education (CHED), noong panahon ng 2016 hanggang 2022, umabot sa 34% ang attrition rate ng mga college students sa Pilipinas.



Sa kasalukuyan, inilaan ng pambansang pamahalaan ang halagang P18.8 bilyon para sa libreng kolehiyo, subalit naniniwala si Diokno na dapat may mga pagsusuri o eksaminasyon na dapat pasadohin ng mga estudyante bago sila maging benepisyaryo ng subsidiya para sa kanilang apat na taong kolehiyo.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *