Tuloy ang pangarap para sa isang guro at singer-songwriter sa Quezon City na maging isang recording artist matapos ma-release ang kanyang debut single na “Bilyon-Bilyong Panalangin” sa ilalim ng Insight Music.
Si Jayson Dedal,isang MAPEH teacher sa isang pampublikong paaralan sa Quezon City ay matagumpay na makapag-release ng kanyang album sa kanyang ika-28 taong kaarawan.Ang Kanta niyang Bilyon-Bilyong Panalagnin ay isa sa mga kantang ipapatugtog sa pelikulang “Miss Q&A: Para Sa Maganda Lang Ba Ang Love Life?” kung saan pagbibidahan ni Kakai Bautista at Zoren Legaspi sa direksyon ni Lemuel Lorca. Inaasahan na lalabas ngayong summer ang nasabing pelikula.
Liban sa kanyang propesyon bilang isang guro, nagsusulat na rin ng kanta si Jayson simula pa noong ito ay nasa kolehiyo at naging aktibo sa pagsali sa ibat-ibang organisasyon. Ayon sa mangangawit, ang kanyang awitin ay nagpapahayag ng kanyang mga naging karanasan maging ang kanyang mga pag-aalinlangan.
“It’s a personal track, to be sure.I wrote it during the lockdown, and it’s the collective result of everything I’ve been worried about — my love life, the future, and my relationship with God.”-ani ni Dedal
Malaki naman ang pasasalamat ng guro sa Cahilig at Insight Music sa pagkakataon na ibinigay nila dito upang maihayag niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng awitin
Ang “Bilyon-Bilyong Panalangin” ay magiging available sa Spotify, Apple Music, YouTube Music, at iba pang maaaring pagkuhanan ng mga kanta sa darating na March 5.
Basahin: Senator to DepEd: siyasatin ang mga learning materials