Guro, namigay ng regalo sa kanyang estudaynte

  • by

Isang guro mula Dangoy Elementary School sa Kalinga-Apayao ang namigay ng mga regalo sa kanyang mga estudyante upang hikayatin silang pagbutihin ang kanilang pag-aaral.

Sa kanyang facebook account, ibinahagi ni Teacher Michelle Somera ang mga regalong ipinamigay niya sa kanyang mga mag-aaral. Tsokolate  at iba pang kapaki-pakinabang na bagay ang kanyang ibinahagi sa kanyang mga mag-aaral na nasa ika-2 baitang.

Photo Courtesy: Michelle Somera

Ayon sa guro, ginagawa niya ito noong nakaraang taon pa lamang. Nakapagbigay na rin siya ng mga food containers, eco bottles at mga sabon.



“Kahit konti lang sahod ko, ma-share at maipadama ko lang ang aking pagmamahal at malasakit sa kanila. Tables and chairs sana gusto ko ibigay kasi naaawa ako kung paano sila magsulat,” ani ni Somera sa isang panayam.

Si Teacher Somera din mismo ang personal na namimigay ng mga regalo kasabay ng mga modyul.

Basahin : DepEd humingi ng tulong sa PNP kaugnay sa online cheating



RECOMMENDED


1 thought on “Guro, namigay ng regalo sa kanyang estudaynte”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *