Hirap paring makabangon ang ilang paaralan sa Catanduanes sa pagsisimula ng 2nd quarter ng School Year 2020-2021 dahil sa magkasunod na bagyo nitong nakaraan taon at dahil na rin sa pagkasira ng ilang 2-way radio unit na ginagamit sa distance learning.
Mayroong kabuuang 49 units na 2-way radio na ginagamit ang Cagraray Elementary School sa bayan ng Bato,Catanduanes ngunit matapos manalasa ang bagyong Rolly, nasa 17 hanggang 19 units na lamang ang kapakipakinabang.
Basahin: Pagbebenta ng ilang estudyante ng mga malalaswang larawan at video, paiimbestigahan ni PRRD
Ayon kay Sherwyn Malangit, isang guro sa Cagraray E/S, na -lift na ang class suspension at magpapatuloy ang distance learning sa darating na January 11. Nitong nakaraang Oktubre, napabalitang 2-way radio ang kapamaraanan ng paaralan sa distance learning.
“May natira, pero ‘di na kayang i-cover buong estudyante namin sa Cagraray Elementary School Annex. Napaka-effective. Namomonitor namin mga bata. At the same time, ang mga bata kapag may ‘di nauunawaan sa module nila kaagad silang nakakapagtanong sa akin and napapaliwanag ‘yun nang sabay-sabay nilang napapakinggan,” sabi niya.
Bukod sa sira-sirang radio, problema rin ang kawalan ng kuryente sa kanilang lugar
Basahin: Why are teachers irreplaceable?