Skip to content

“McDo” Classroom Make-over

  • by

Mapapa “Love Ko ‘To” ka nalang talaga sa proyektong “ReClassified” na inilunsad ng McDonald’s Philippines para sa ilang mga piling paaralan. Layunin ng proyektong ito na makapagbigay ng mas maayos at komportableng ‘learning environment’ para sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga repurposed tables and chairs na galing mismo sa kanilang stores.

Isa sa mga mapalad na nakatanggap ng mga donasyon ay ang Paaralang Elementarya ng San Roque. Ipinahayag ng paaralang ito ang kanilang lubos na pasasalamat sa nasabing proyekto. Sa isang pahayag ng isa sa mga guro ng paaralan, sinabi nito, “We are grateful to be chosen as one of the recipients of the project initiatives. Now that we have received these resources from McDonald’s, we, the educators, are inspired to continue building and promoting a better learning space for our students.”

Hindi maikakailang malaki ang naging parte ng proyektong ito sa mga pangarap ng mga guro na mas mapabuti pa ang kalidad ng edukasyon na kanilang maiaalok sa mga estudyante. Malaking tulong din ito upang mas makapag-focus ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral.



Ang inisyatibang ito ay nagpapakita na sa gitna ng mga isyung kinakaharap ng bansa patungkol sa kakulangan ng maayos na pasilidad at kagamitan ng mga paaralan, ay may malaking kontribusyon tayung magagawa upang mas mapa-unlad ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.

Ang “ReClasssified” project na inilunsad ng McDonald’s ay isang patunay na ang mga kumpanya ay maaaring makabahagi sa pag-unlad ng bansa kahit sa mga simpleng pamamaraan. Nawa’y maging hakbang ito upang maiparating natin ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagkaka-isa. Magtulungan tayu tungo sa mas maayos na edukasyon!

Sino nga bang hindi gaganahan kung nakaupo ka sa paborito mong fast food chain? Tiyak na safe ang mga bata kahit gaano pa sila kalikot. Salamat McDo­!



RECOMMENDED


1 thought on ““McDo” Classroom Make-over”

  1. Hi good day, i hope you can help me in my classroom makeover. I am a Kindergarten Teacher for more than 23 years and presently working as public school teacher at San Isidro Elementary School. Thank you and God bless.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *