Kaliwa’t kanan na nga ang mga offered online activities na makikita sa internet.
Sa sobrang dami ng pagpipilian ay hindi na nga din magkamayaw ang kaguruan pati na mga magulang sa pag-avail ng mga subscriptions na magagamit para sa online learning. Ang ilan nga dito ay may bayad din na halos kung pagsama-samahin ay katumbas na ng miscellaneous fee na babayaran para sa internet installation o kaya naman ay ang monthly payment para sa invested gadgets.
Ang pagpili ng makatutulong na online assessment tools ay para ring pamamalengke. Bilang mga praktikal na magulang ay dapat maalam din tayo sa mga sulit na produkto na ating pipiliin para sa edukasyon ng ating mga anak.
Bagaman maraming magaganda at promising services ang ibinebenta ng mga online formative assessments, hindi naman natin kailangan gumastos upang siguraduhin ang kalidad ng edukasyon na mararanasan ng mga mag-aaral.
Ang formative assessments ay ang mga hakbang na aktibidades na ginagamit ng mga guro upang hasain ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral patukoy sa isang aral o lesson. Sa tinatawag nating ‘New Normal’ ng edukasyon, ang mga formative assessments na ito ay ginawang self-phase kung saan ang mga mag-aaral ay matututong paunlarin ang kanilang kasanayan sa sarili nilang pamamaraan gamit ang mga online games, polls, at quizzes (tinatawag din itong independent learning).
Narito ang mga listahan ng mga libreng online formative assessments na tiyak maeenjoy at madalas magagamit ng mga mag-aaral sa kanilang darating na online class:
- Poll Everywhere
https://pollev.com
Magagamit ito para sa mga online polls (botohan), survey, at interactive discussions. Madalas na ginagamit ito sa junior at senior high school level - Jog Nog
https://www.jognog.com
Ginagamit para sa mga quizzes at review questions. Maari din para sa summative assessment o yung pagsusulit sa bawat quarter.
Maaring gamitin simula Grade 2 hanggang Senior High School Level. - Quizizz
https://quizizz.com
Paniguradong hindi ito mawawala sa listahan.
Makulay at masiglang online activity dinisenyo para sa mga pagsusulit.
Maaring gamitin sa lahat ng Grade level, maging High School. - Flipgrid
https://flipgrid.com
Gamit ang mga video, ito ay mabisang online activity para sa mga interactive na talakayan. Ito ay MS Teams integrated.
Padlet
https://padlet.com
Magandang gamitin bilang bulletin board sa pakikipagkapwa sa pamamagitan ng pagsasanay ng mga ideya, survey, graphic organizer, portfolio, at iba pa. Maaring gamitin para sa mga kumpetisyon gaya ng photo contest o kaya naman ay collaborative poster. Para sa Grade 4 hanggang Senior High
THANK YOU COMMONS PH