Hindi kumpleto ang pagbubukas ng klase kung walang Brigada.
Sinimulan na ng DepEd ang Oplan Balik Eskwela – Brigada Eskwela na may temang “Bayanihan 2020” mula ika-1 ng Hunyo hanggang ika-29 ng Agosto.
Hindi kagaya ng nakasanayang Brigada sa ilang mga lumipas na taon ay online ang preparasyon nilalatag ng Department of Education (DepEd) para sa mga mag-aaral, guro at mga magulang. Ilan sa mga preparasyong ito ay ang online briefing at orientation na isinasagawa upang maging pamilyar sa iba’t ibang mga learning modalities na pinagpaplanuhan ng masigasig ng sector ng edukasyon, mapa-probado man o pampubliko.
Related Article: Guidelines on the required health standards in basic education offices and schools
Bilang paghahanda ay nagbukas ng Public Assistance Command Center ang DepEd upang ibahagi ang mga Oplan Balik Eskwela Hotlines via landline, text messaging, email o web man. Bukas din ang mga official social media pages nila sa Facebook, Instagram, at Twitter upang madaling ma-access ang mga updates tungkol sa sistema ng enrollment at iba pa.
Kabilang sa mga FAQ (Frequently Asked Questions) ay ang mga impormasyon tungkol sa Learner Enrollment And Survey Form (LESF) na nakalakip din sa Oplan Balik Eskwela – Brigada Eskwela page. Ilan pa sa mga nasa FAQ ay ang para sa pagbubukas ng klase at para sa pagpapatuloy ng edukasyon kung saan ay sinasagot din ang mga katanungan ukol sa mga limitado sa gadgets at internet, may bayad ba para sa mga modules, kalian maibibigay ang mga ito at iba pa.
Maliban dito ay may mga buttons din na nakadisplay sa page tungkol sa enrollment manual, LESF, Regional OBE Directory, Bureau of Curriculum Development, Bureau of Education Assessment, Bureau of Learning Delivery, Disaster Risk Reduction and Management Service, Learning Information System, at Bureau of Human Resource and Organizational Development. Makikita ang page na ito sa official web page ng DepEd sa link na https://www.deped.gov.ph/obe-be.