Skip to content

Paano ang tamang pagtanggap at pagbalik ng modules?

  • by

Papalapit na nga ang pasukan para sa School Year 2020-2021. Sari-sari na ding paghahanda ang ginagawa ng mga paaralan upang maging matiwasay at maayos ang daloy ng komunikasyon at pakikitungo ng kaguruan sa mga mag-aaral, magulang, at mga LGU (Local Government Units).

Ang tanong dito ay handa na ba ang mga magulang sa mga gagamiting learning modalities gaya ng modular? Malinaw na ba ang tamang pagkuha o pagtanggap at pagbalik ng modules?

Ito ang ilan sa mga guidelines ayon sa DepEd (Department of Education) sa pagkuha o pagtanggap, at pagbalik ng modules :    
           
Sa pagtanggap, pahgkuha, at pagbabalik ng mga modules ay susunod ang mga magulang o guardians sa Strict Health Protocol ng pagsusuot ng PPE gaya ng mask, face shield, at surgical gloves. Magdala ng sariling ballpen at alcohol. Maging ang pagdala ng ID at Quarantine Pass ay isa din sa mga requirements. Dadaan din ang mga bibisita sa paaralan sa temperature checking, handwashing, at physical distancing bago pumasok.



Hindi papapasukin ang mga minor de edad (21 taong gulang pababa). Sumunod sa eksaktong oras na ibibigay ng paaralan para sa bawat grade level.

Maging alerto sa mga panawagan ng paaralan sa pamamagitan ng mga mensahe sa online platforms na ginagamit ng mga advisers upang makipag-usap sa mga magulang at mag-aaral.

Iba’t ibang kaparaanan sa pagkuha ng modules:

  • Pick-up
  • Private Volunteers 

Kaparaanan sa utilization ng modules:

  • Paggamit ng printed modules       
  • Paggamit ng soft copies at flash drive

Kaparaanan sa pagbalik ng modules:

  • Pagbalik sa inatas na posts ng paaralan sa kahon ng mga printed modules; o      
  • Pagpasa ng soft copies at flash drive sa inatas na posts ng paaralan

Ilan sa mga Memorandum ng DepEd (Department of Education) na binigay sa mbawat rehiyon tungkol sa  GUIDELINES ON THE DISTRIBUTION AND UTILIZATION OF THE REGIONALLY DEVELOPED SELF-LEARNING MODULES (SLMS):

Original link: DOWNLOAD



From DepEd Mandalurong: https://drive.google.com/file/d/1MOWbwGjUnpUYep28WXiIpJHQah5Iptge/view

Additional Reading: DepEd prepares Self-Learning Modules for education’s new normal

Maaari ring panuorin ang video ng INHS Webinar tungkol sa Self-Learning Modules Policy Guidelines and Distribution Orientation:



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *