Nais ipaimbestiga ni Pangulong Rodrigo R. Duterte sa mga cybercrime experts ang ilang ulat higgil sa mga mag-aaral na nagbebenta ng mga malalaswang larawan at video sa internet upang matustusan ang kanilang pag-aaral.
Ayon kay Senator Christopher Go, plano ng pangulo na ipatawag ang mga taga cybercrime units at iba pang kaugnay na ahensya upang mapag-usapan at maaksyunan ang isyung ito tungkol sa mga kabataan.
Basahin: Schools, Low-risk COVID-19 transmissions
Nitong nakaraang lingo, ibinahagi ni Sen. Sherwin Gatchalian ang isang ulat ng Philippine Online Student Tambayan (POST) kung saan isiniwalat nito ang pagkakaroon ng “Christmas Sale” ng mga malalaswang larawan. Ikinaalarma naman ito ng Kagawaran ng Eduaksyon.
“Nakakabahalang dahil sa mga suliraning dinudulot ng pandemya, ang ating mga kabataan ay nahaharap sa matinding panganib na maging biktima ng pang-aabuso at karahasan” ani Senator Sherwin Gatchalian
Iginiit ng DepEd na hindi mandatory ang pagkakaroon ng gadget sa ilalim ng distance learning sapagkat may ibinibigay ang kagawaran na mga modules.
Samantala, tumaas ng 260 porsiyento ang mga ulat hinggil sa Online Child Abuse , Marso- Mayo nitong nakaraan na taon habang napapaloob ang bansa sa community quarantine ayon sa UNICEF.
Basahin: DepEd nanawagan ng pagkakaisa para sa de-kalidad na edukasyon