Skip to content

Pagbili ng ready-made research papers ng mga guro, iniimbestigahan na ng DepEd

  • by

Ipinaalam ng Department of Edukasyon(DepEd) nitong Lunes, ika-25 ng Enero, na kasalukuyan nitong iniimbestigahan ang ‘di umano’y pagbili ng mga guro ng ready made research papers para sa promosyon at pagkalap ng pondo .

Kinumpirma ni DepEd Public Service Affairs Director June Arvin Gudoy sa ipinadalang Viber message na kasalukuyang inaaral ng kagawaran ang insidenteng ito batay na rin sa rekomendasyon ni  Sen. Sherwin Gatchalian, ang chairman ng Senate basic education committee.

Read: Deped urged to distribute Bayanihan 2 subsidies



Ayon kay Sen. Gatchalian, ang mga gawaing ito ng mga guro ay “unethical practices” na nagpapahayag ng kawalan ng integridad at hindi dapat kinokonsinti.

Sa pahayag naman ni DepEd Planning Services Director Roger Masapol, hindi pinapayagan ng kagawaran ang ganitong gawain

“This will be further validated during the initial evaluation where the research committee secretariat will check on plagiarism and possible conflict of interest in the conduct of the research,” ani ni Masapol.

“Checks on plagiarism and possible fraud are also included in the acceptance of the completed research,” dagdag pa nito.



Samanatala, hinikayat naman nito ang  publiko na ipagbigay-alam sa kagawaran kung mayroon silang kaalaman sa ganitong kalakalaan.

Iba pang balita: Pulis, katuwang ng mga guro sa paghatid ng mga learning module



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *