Malaki ang nagampanan ng mga kapulisan sa pag-abot ng mga learning materials sa mga malalayong lugar na hindi abot ng sasakyan o di kaya’y malayo sa kalsada.
Isa na dito ang naging trending sa social media na si Police Staff Sergeant Vincent Aaron Gomayat ,20 taong gulang at tubo ng Mountain Province ,kung saan nakuhanan siya ng litratong naghahatid ng mga learning module sa bayan ng Sadanga, Mountain Province.
Ayon kay Gomayat, hindi pa nakakapasok ang sasakyan o motor sa naturang lugar kaya kailangan itong lakarin ng mahigit isang oras upang makaakyat sa bundok.
Read: Pagtaas ng communication allowance ng mga guro, walang legal basis
“Iyong napicture-an po sa Buluang iyon. Bale iyon po ang considered na pinaka-malayong barangay dito. Not road accessible po siya. Bale dadaanin iyon ng isang oras at higit pa kasi pataas iyon.” ani ni Gomayat.
Dagdag pa ng pulis, naranasan niya ang ganitong hirap noong siya ay nag-aaral pa lamang at ang pagdeliver ng mga modyul ay malaking bagay upang makatulong sa mga mag-aaral.
“Ang iniisip lang namin ang kapakanan ng mag-aaral. Para kahit papaano, hindi maistorbo ang kanilang pag-aaral. Nang sa gayon po ang kanilang mga dreams ay makamit naman nila,” aniya.
Pinaalalanan namna niya ang mga mag-aaral na mag-aral nang mabuti.
Related: Senate to investigate sale of lewd photos online