Skip to content

Paano makakuha ng SHS Voucher Program para sa School Year 2020-2021?

  • by

Ano ang SHS Voucher Program?

Ang Senior High School Voucher Program o SHS VP ay isa sa mga financial assistance program ng gobyerno na pinagtibay ng Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987, Artikulo XIV, Sek. 1, naglalayong palawakin ang tulong at suporta para sa mag-aaral at guro.  Ang programang ito ay para sa mga automatic qualified SHS learners at mga voucher applicants na kailangang mag-apply para dito

Bakit may SHS Voucher Program?      

Kasabay ng panghakbang natin sa pakikiisa bilang ASEAN nations, pinagtibay ng Republic Act (RA) No. 10533, “Enhanced Basic Education Act of 2013” ang mas pinahabang taon ng Basic Education sa bansa – mula sa 10 hanggang sa 13 na tao na may karagdagang Kindergarten at Grade 11 at 12 sa SHS (Senior High School).     

Malinaw na pinaliwanag sa inilabas ng Department of Education (DepEd) na DepEd Order, DO_s2020_016 noong June 25, 2020 ang suporta ng gobyerno sa sinusulong na abot-kaya at kalidad na edukasyon sa bansa na binigyang daan ng mga programang tulad ng SHS VP.



Sino ang mga maaring makakuha ng SHS VP?

Lahat ng mga mag-aaral na nakatapos ng JHS (Junior High School), public man o private ay maari maging beneficiary. Ang mga Grade 10 passers din ng Alternative Learning System Accreditation and Equivalency (ALS A&E) Test at Philippine Education Placement Test (PEPT) ay maari din makakuha ng voucher. Malinaw na nakasaad na ang programang ito ay hindi directly operated ng DepEd ngunit granted ng DepEd.

 Nahahati ang mga beneficiary ng programang ito sa dalawa:

  1. Automatically Qualified Learners:

Ang mga beneficiaries na ito ay hindi na kailangang mag-apply pa sa programa dahil sila ay qualified voucher recipients (QVR) na. Ang mga kategorya sa ilalalim nito ay:

  • Grade 10 completers sa public school
  • Grade 10 completers sa SUCs and LUCs
  • Grade 10 completers sa private schools (ESC guarantees)

2. Voucher Applicants (VA)



Ang mga beneficiary nito ay may parameters na sinusunod batay sa fund availability. Ang mga kategorya sa ilalalim nito ay:

  • Grade 10 completers sa public schools (not ESC grantees) SY 2019-2020
  • Mga naunang Grade 10 completers na hindi mas maaga sa taong 2016 at hindi pa nakakapag-enroll ng Grade 11.
  • Mga Grade 10 passers ng ALS A&E Test na hindi mas maaga sa taong 2016 at hindi pa nakakapag-enroll ng Grade 11 (hindi rin kabilang ang mga bago pa lang mageexam ng ALS A&E Test para sa SY 2020-2021).
  • Mga Grade 10 passers ng PEPT na hindi mas maaga sa taong 2016 at hindi pa nakakapag-enroll ng Grade 11 (hindi rin kabilang ang mga bago pa lang mageexam ng ALS A&E Test para sa SY 2020-2021).
  • Paano mag-apply para sa SHS VP?

Ang proseso ng application ay libre lamang online. Tumatanggap ng online application gamit ang PEAC NS via Online Voucher Application Portal (OVAP) sa link na https://ovap.peac.org.ph/

Para sa iba pang karagdagang detalye tungkol sa programang ito, ito ang mga documents na inilabas ng DepEd sa kanilang official website (https://www.deped.gov.ph/):

DO_s2020_016
Annex 1 Privacy Notice and Parent Consent Form
Annex 2 Certificate of Financial Assistance
Annex 3 Affidavit Template
Annex 4 Certificate of Unemployment





RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *