Kamakailan lang ay inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang COVID-19 vaccination campaign para sa mga teaching at non-teaching personnel nito bilang isa sa mga kinikilalang frontliners ngayong panahon ng pandemya.
Ang inilunsad na programang ito ay tinawag ng kagawaran na “Vacc2School: Ligtas na Bakuna, para sa Balik Eskwela” na may layuning magbigay kaalaman tungkol sa vaccine ang nagtratrabaho sa DepEd. Mayroon ding itinayo ang DepEd na mga microsite o booth na paglalagyan ng mga campaign materials.
“I am encouraging everyone, especially the teachers, and other education personnel to participate in this campaign, and make informed decisions on vaccination to further intensify and advance our chances of safely returning to school,” ani ni DepEd Secretary Leonor Briones na isa ring COVID-19 survivor. Kamakailan, nakatanggap na rin siya ng unang dose ng kanyang vaccine.
“It is not only a matter of protecting your personal rights, it is also a matter of protecting the lives and health of children which is also entrusted to our care,” dagdag pa nito.
Ayon pa sa kalihim, magsisimula ang vaccination sa darating na Hunyo.
Inaasahan naman ng gobyerno ng PIlipinas na mababakunahan ang humigit kulumang 70 milyong populasyon bago matapos ang taon. Sa kasalukuyan, mayroon nang 2.5 milyong katao na nabakunahan kontra COVID-19.
Basahin: DepEd to accept early registration until end of May