Join our Facebook Group to download more FREE Learning Materials

10 Klase ng Titser kapag may INSET o seminar

  • by

Alamin natin ang 10 Klase ng Titser kapag may INSET o seminar

1. The Hungry – mahilig sa kutkutin., bukod sa notebook at ballpen puro chichirya, kendi o anumang pagkain ang nasa bag, kala mo laptop ang dala.

2. The Nerd – punong-puno ang mga notes… kahit hindi maintindihan ang sulat, sila ‘yung laging pakinig na pakinig sa speaker ng seminar.



3. The Reporter – ang pinakamaingay, laging kakwentuhan ang katabi lakas pang tumawa, kaya wala ng naisusulat na notes.

4. The Security – shhhhhhh… tagasaway ng mga maiingay.

5. The Copycat – sila ang mga medyo tamad magnotes kaya picture ng picture ng powerpoint presentation, minsan mismong notebook ng katabi ang pinipicturan… awra!



6. The Time keeper – laging nakatingin sa relo… mahilig pumwesto sa likod hindi dahil sa takot siyang matawag, kundi para madali siyang makauwi dahil nga TIME na.

7. The Birds- ang mga laging number one sa attendance at lagi ding number one sa uwian.. hehehe

8. The Zombie – parang zombie sa paggewang ng ulo dahil gusto nang matulog, daig pa ang adik sa antok parang nagpapraktis ng pagpanaw



9. The Clearer – laging may tanong, basta may maitanong lang kahit alam niya na ang sagot.

10. The Invisible – nakalista ang pangalan o inilista ang pangalan pero wala sa seminar. Period.

Credit to the owner



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *