Skip to content

A Teacher’s Love Story

  • by

Tawagin niyo nalang po akong Teacher Joyce. Gusto ko sanang ibahagi sa inyo ang mga karanasan ko bilang isang guro sa bulubundukin na malayo sa pressure at stress sa siyudad. Ibabahagi ko sa inyo kung paano ako nabighani sa ganda ng lugar na ito at sa mga taong nakatira dito ????.


Pagkatapos kong grumaduate ng Education major in pre-school,agad akong nag-take ng LET at mapalad akong pumasa at nakapagturo sa isang private school kung saan nagtagal lamang ako ng isang taon sapagkat liban sa hindi maganda ang sahuran,nais kong makipagsapalaran sa pagiging public school teacher.

Sa aking pag-aapply, dito ko naranasan ang mga kadalasan kong naririnig sa aking mga guro noon kung gaano kahirap mag-apply sa Public Schools. Tinatadtad ka ng requirements,patung-patong na gastos, di-mawaring ugali ng iyong mga kasamang aplikante at iba pa.




Pagkatapos ng ilang buwan ding paghihintay, nagbunga ang aking mga sakripisyo at ng mga magulang ko. Hindi sila nagkulang na ipakita sa akin ang buo nilang suporta at lubos ko itong ikinatuwa.


Sa kalaunan din ay dinestino nila ako sa lugar na hindi ko inaasahan. Ngunit dahil bago palang ako, gusto kong ipakita ang dedikasyon ko bilang isang guro.


Napunta ako sa bulubunduking bahagi ng aming munisipyo. Walang signal ng telepono at napapaligiran kami ng mga taniman ng gulay at ng kung anu-ano. Halos mga dalaga rin ang mga kasama kong guro na itinalaga dito. Masaya ako at sila ang mga makakasama ko sapagkat alam kong mas madali kaming magkakasundo


Napakaganda ng lugar na ito. Sariwa ang hangin at araw araw naming tanaw ang SEA OF CLOUDS na dinadayo ng mga taga patad. Maraming tanim na gulay at simple lang ang pamumuhay.



Pagdaan ng ilang araw, laking gulat namin habang kami ay nagkukuwentuhan sa aming cottage pagkatapos ng klase. May mga grupo ng kalalakihan na papalapit sa aming direksyon na may mga dala-dalang tinapay,gulay at buhay na manok.


Batid ang pagkalito sa aming lahat sapagkat wala kaming ideya kung ano ang sadya ng mga ito.
“Tao po” Sigaw ng pinaka-matanda sa grupo.

“Kung maari po sana mga Ma’am na makipag kwentuhan sa inyo ang aking mga pamangkin na binata” Dagdag pa nito.


Natawa ako sa ideyang “Manliligaw ba ang mga ito”



Palihim akong ngumiti nang mapako ang aking paningin sa paparating na kasamahan ng mga kalalakihan. Bagamat walang dala dalang pagkain ngunit malakas ang kanyang presensya.


Nakipag kuwentuhan kami sa aming mga bisita habang humihigop ng mainit na kapeng barako. Nakakagulat ang sinseridad ng mga ito sapagkat binanggit na nila ang sadya nilang panliligaw.


Bahagya kaming nagkatinginan sapagkat hindi namin kilala kung sino ang liligawan at sino ang mga manliligaw. Medyo dismayado naman ako sapagkat maagang umuwi yung tall,dark and handsome na akala ko pa naman ay makikipagkuwentuhan.Tawagin nalang natin siyang Joel.


Lumipas ang mga araw, pabalik balik parin ang mga binata upang makipagkuwentuhan. Minsan, halos naka-pila sila sa labas ng cottage upang makahanap ng tiyempo na manligaw. Mabuti nalang pinapauwi din sila ng isa sa aming kasamahang guro.



Basahin: “Mikropono” umani ng reaksyon mula sa netizens


Hindi ko namalayan, limang buwan na pala ako doon ngunit hindi parin nagpaparamdam si Joel.Umasa ako.Oo umasa ako kahit wala akong karapatang umasa dito.


Tila milagro na isang araw nagawi siya sa cottage at hinanap ako.
Tumigil ang mundo.


Tinanggap ko siya at halos di na namin namalayan ang oras sa pakikipagkuwentuhan. Naulit pa ang ganitong tagpo hanggang tuluyan nang nahulog ang loob ko sa kanya.


Isang magsasaka si Joel at tumatayo ring ama ng pamilya sapagkat matagal nang pumanaw ang kanilang ama. Lumaki ang paghanga ko sa kanya sapagkat pinag aral niya ang mga kapatid niya sa mga malalaking paaralan sa siyudad ng Baguio.




Matapos ang huli naming pag-uusap,tila naglaho si Joel na parang bula. Ilang buwan din siyang hindi nagpakita. Labis ang aking pagkadismaya. Nahulog na yata ako sa kanya.Oo,MAHAL KO NA SIYA.


Buwan ng Enery 2019, muli siyang nagpakita at humingi ng tawad sa sandali niyang pagkawala.Ayon sa kanya, naging abala siya sa pagsasaka. Pinatawad ko siya at mula noon ay official nang NAGING KAMI (ayeeee ????).


Ako na siguro ang isa sa pinakamasaya sa araw na iyon. May maganda akong trabaho, tahimik ang lugar kung saan ako nagtuturo at binigyan ako ng taong mamahalin ako at mamahalin ko.


Suportado niya ang pagtuturo ko at ganun din ako sa kanyang pagtatanim ng gulay. Binalewala ko ang mga usap-usapan ng mga tao na bakit siya samantalang propesyunal ako.


“Siya ang pinili ko. Siya ang napili ko dahil mahal ko siya at responsable siyang tao. At kahit sino pa ang dumating,siya parin ang pipiliin ko”



-wakas

Read more: Why are teachers irreplaceable?



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *