Skip to content

“Academic Ease” lusot sa House Committee

  • by

Lusot sa Kamara o ang House Committee on Basic Education ang inihain na “Academic Ease” o pagpapaluwang sa mga guidelines kaugnay sa K-12 upang makapasa ang mga estudyanteng naka-enroll kahit pa sa kalagitnaan ng COVID 19.

Ang House Resolution (HR) No. 1383 na kamakailan lang ay lumusot sa kamara ay humihiling sa Department of Education (DepEd) at sa Commission on Higher Education (CHED) na payagan na magpatupad ang mga pampubliko at pribadong educational institutions sa bansa na mag-adopt ng pass or drop grading system sa pagtatapos ng school year 2020 to 2021.

Ang resolusyon na ito ay pinamumunuan ni Pasig Rep. Roman Romulo kung saan napagkasunduang ipaubaya sa DepEd ang mga panuntunan kaugnay sa “Academic Ease”



Ang hakbang na ito ay parehas din sa layunin ng House Bill (HB) No. 7961 na humihingi ng scholastic leniency para sa naturang school year upang maproteksyunan ang mental health ng K-12 students.

Read more: Deped urged to distribute Bayanihan 2 subsidies

Ayon kay education Asec. Alma Torio, may umiiral na silang ploisiya kaugnay sa remediation classes lalo na at may mga estudyanteng walang access sa signal at internet.

“We have issued a memorandum entitled Strategies in the Implementation of Multiple Modalities and said issuances has given the utmost consideration of our learners who are at risk of failing by conducting remediation classes by the subject teachers,” ani ni Torio.



“Kapag nakita na po natin na at risk yung mga bata kailangan gumawa na po tayo ng measure para matulungan sila para po talaga masabi po natin na no one should be left behind,” dagdag pa nito.

Samantala, ilang guro din ang humingi ng pagbaba ng workload upang matuon ang kanilang oras sa pagtuturo.

Read: VP condemned termination of UP-DND accord



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *