Skip to content

Balut vendor, isa nang ganap na inhinyero

  • by

Matagumpay ang isang balut vendor mula Lallo, Cagayan matapos pumasa sa katatapos na Sanitary Engineer Licensure Examination  na ginanap nitong Agosto ng taong kasalukuyan.

Isa si Benny Tomas sa 112 na pumasa sa 189 na sumubok sa pagsusulit na ito. Naging working student si Tomas noong nasa kolehiyo pa lamang ito sa pamamagitan ng pagbebenta ng balut upang makatulong sa pagtustos ng kanyang pag-aaral. Nagbebenta rin siya ng mga kendi kung may extra siyang allowance sa kanilang paaralan.

Read more: Former Janitor landed Top 7 in September 2019 LET



Inialay naman ni Benny sa kanyang pamilya ang tagumpay na ito. Panglima siya sa siyam na magkakapatid habang magsasaka naman ang kanyang mga magulang. Kamakailan lang, na-stroke ang kanyang ina noong nakaraang taon dahilan ng pagtigil nito sa kanyang pagsasaka.

Photo Credits : Tomas

“Yong time management ko sa pagbebenta ng balut ay kapag sa tanghali po ay may break kami sa school ay pumupunta ako at bumibili ng balut na hindi pa luto tapos ilalagay ko sa boarding house ko. After ng klase, lilinisan ko ‘yong balut at iluluto tapos magtitinda na ako ng alas-6 hanggang alas-8 “

Dagdag pa nito, ginagawa niya ang kanyang mga takdang-aralin pagkataposmagbenta ng balut o di kaya’y kung may mahaba-habang break time tuwing umaga.

Si Benny, ang masigasig na balut vendor, ang kauna-unahang nakapagtapos ng kolehiyo sa kanilang magkakapatid.



Read more: Inspiring girl with down syndrome is now a teacher in Paraňaque



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *