Nakipag-ugnayan ang Kagawaran ng Edukasyon sa Philippine National Police (PNP) upang mabigyan ng solusyon ang lumalaganap na online cheating mga mag-aaral sa kanilang online examination.
Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, inatasan sila ng Anti-Cybercrime Group (ACG) na makipag-ugnayan sa Deped upang imbestigahan ang mga ulat ukol sa pagpapalitan ng mga sagot ng mga mag-aaral gamit ang social media.
Sa isang Facebook group, ang mga estudyante ay napag-alamang nagpapalitan ng mga sagot sa kanilang mga pagsusulit.
Kamakailan lamang ay naging-viral ang “online kopyahan” ng mga estudyante na isiniwalat ng ilang influencers maging ang mga guro. Ikina-alarma naman ito ng kagawaran kayat agad silang umaksyon.
Ayon kay Sec. Leonor M. Briones, hindi nila papayagan ang online cheating.
Samantala, gumagawa rin ng sariling imbestigasyon ang National Bureau of Investigation.
Basahin: Grade 10 na mag-aaral patay sa hazing