Grade 10 na mag-aaral patay sa hazing

  • by

Patay ang isang Grade 10 na mag-aaral mula sa San Enrique, Negros Occidental noong ika-9 ng Setyembre ng taong kasalukuyan matapos itong sumailalim sa hazing upang makapasok sa isang fraternity.

Ang labing-walong taong gulang na biktima, na hindi pinangalanan, ay agad na nasawi dulot ng pamumuo ng dugo sa katawan nito dalawang araw matapos ang initiation rites ng biktima. Napagalamang noong Marso ito na-recruit ng tatlong suspek.

Ayon kay Lt. Sammy Gasataya, Deputy chief ng San Enrique Police, dalawang araw matapos mamatay ang biktima tsaka pa lamang ito inireport ng mga suspek. Agad naman itong pinabulaanan ng nabanggit.



Ayon sa imbestigasyon, gumamit ng paddle ang mga suspek sa naganap na hazing sa bahay ng isa sa mg ito. Bago pa man binawian ng buhay ang biktima, nabanggit niya sa kanyang mga magulang ang pangalan ng mga may sala sa kanya.

Naging panauhin ng biktima ang mga suspek sa kanyang ika-18 na kaarawan noong  ika-3 ng Setyembre, 2021.

Basahin: Paaralan sa Palawan, binaha



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *