Skip to content

Multi-awarded broadcast journalists magtuturo sa mga teacher-broadcaster ng DepEd TV

  • by

Jessica Soho, Korina Sanchez, Karen Davila, Arnold Clavio, at Kim Atienza – Malalaking pangalan sa industriya ng broadcasting ang ilan lamang sa mga multi-awarded journalists na tinapik tulong para sa pagsasanay ng mga piling kaguruan na sasabak sa media learning modality ngayong School Year 2020-2021.

Nagbigay pahayag si Education Undersecretary Alain Pascua nito lang Biyernes gamit ang kanyang official Facebook page ukol sa  paglunsad ng media learning modality ng DepEd (Department of Education). Binanggit din ang mga bigating TV at radio networks sa bansa kabilang ang ABS-CBN, GMA7, TV5, Cignal, GSAT, Sky Cable, Gracia Telecoms and the League of Municipalities of the Philippines, Streamtech and Planet Cable, Solar, Mabuhay Pilipinas, at Philippine cable and Telecommunications Association (PCTA) bilang kabalikat sa paghahanda ng kaguruan sa broadcast learning.        

Ila pa sa mga linya ng mga multi-awarded journalists na kasama sa proyekto ay sina Kara David, Sandra Aguinaldo, Abner Mercado, Atom Araullo, Jacque Manabat, at MJ Marfori. Kabilang din ang mga grooming coach ay sina Issa Litton, voice master Pocholo Gonzales, at ang educational content creator/motivational speaker Lyqa Maravilla.



Layon ng proyektong ito ang magbigay gabay at tulong sa mga piling Teacher-Broadcaster candidates sa paghasa ng kanilang talento hindi lang sa broadcasting kung hindi pati na rin sa video production, gaya ng Associate Producer, Videographer, Editor, Graphic Artist, at Production Coordinator. Magbibigay daan ito sa kapaki-pakinabang at epektibong pagtaguyod ng DepEd TV bilang isa sa mga solusyon sa hamon ng distance learning.

Sinimulan ang training na ito sa University of the Philippines Diliman at Los Banos sa tulong ng Curriculum and Instruction sa pamumuno ni Undersecretary Diosdado San Antonio, at ng Bureau of Learning Delivery sa pamumuno naman ni Director Leila Arreola.

Naging possible ang isasagawang training workshops online kasama sina Paolo Bediones at Luchi Cruz-Valdes sa tulong at suporta ng Presidential Communications Operations Office (Secretary Martin Andanar).

Maliban dito, isa din sa mga inilalatag ng DepEd ay ang mga broadcast-ready studios sa bansa para sa lahat ng Division Offices. Ilan dito ay ang Ilocos Norte, Lanao del Norte, Pangasinan, Zamboanga, Palawan, at Davao.



We are potentially looking at the future of education here. Apart from online learning, which we are pursuing through DepEd Commons, television and radio continue to be very effective channels for instruction and education, hence the DepEd TV and DepEd Radio,” ani Pascua.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *