Skip to content

DepEd-OVP: walang ugnayan sa limited face-to-face classes

  • by

Iginiit ng Department of Education na walang ugnayan ang kagawaran sa Office of the Vice-President (OVP) hinggil sa face-to-face classes. Taliwas ito sa  ulat ng Inquirer na may pamagat na “OVP partners with DepEd, others for limited in-person classes.” Sa kasalukuyan, hindi pa aprubado at wala pang utos ang pangulong Rodrigo R. Duterte sa pagkakaroon ng face-to-face classes. Prayoridad umano ng ating pangulo ang kaligtasan ng mga mag-aaral at mga guro.

Matatandaang nagkaroon ng pagsusulong ang OVP sa midya tungkol sa pagbubukas muli ng limitadong face-to-face classes para sa mga lugar na walang kaso ng COVID-19 . Nagpadala din ang kagawaran sa Pangulo at sa Executive Secretary ng sulat sa pangulo upang idulog ang panawagan ng OCP tungkol dito.

Hindi naman sarado ang DepEd sa mga suhestiyon mula sa OVP.Ayon dito,nangangailangan lang sila ng suporta at iba pang konkretong detalye upang matiyak kung paano isagawa ang limited face-to-face classes. Nagkaroon ng dayalogo ang DepEd kasama ang Education Forum upang pag-usapan ang mga dapat alamin at ikonsidera sa pagpapatupad ng face-to-face classes.



Patuloy naman sa pag-aayos ang kagawaan sa mga rekomendasyon mula sa iba’t-ibang sector upang maibatid ito kay Pangulong Duterte.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *