Guro tumalon sa rooftop-patay!

  • by

Natagpuang patay ang isang guro matapos tumalon mula sa rooftop ng kanilang paaralan na may 50 talampakan sa Asia Business Cooperative Academy sa Abejuela-Corrales Sts, Cagayan de Oro .

Nakilala ang biktima na si Ian Oreg, 35-anyos, residente ng Scions, Kauswagan, Cagayan de Oro at isa ring guro sa nabanggit na paaralan. Ayon sa report, basag ang bungo ng guro sa naganap na insidente.

Ayon kay Police Senior Master Sergeant Robin Galleor, imbestigador ng DVSoria Police Station, napansin na raw ng mga kasamahan ng biktima sa trabaho na kakaiba umano ang ikinikilos nito bago pa man nagana pang insidente.



Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa mga posibleng dahilan ng pagtalon ng nasabing guro.

Basahin:Ilang paaralan sa Catanduanes, hirap paring makabangon



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *