Skip to content

LGBTQIA+ – friendly restroom sa Cordillera, aprubado!

  • by

 Ayun sa pagsusuri, halos lahat ng LGBTQIA+ ay nakakaranas ng hindi pantay na pagtrato at respeto dahil sa kanilang naiibang kilos at katangian. Kadalasang nararanasan ang diskriminasyong ito sa loob mismo ng paaralan kung kaya’t sa kasalukuyan ay patuloy paring kumikilos ang mga mambabatas at administrador ng mga eskwelahan upang tugunan ang isyung ito. Isang pagtugon na isinasagawa ngayon ay ang pagpapatayo ng restroom para sakanila. Layunin nitong paigtingin ang pantay na pagtingin at karapatan sa kasariang kanilang kinabibilangan.

Bilang bahagi ng isang gender-friendly innovation na binuo sa mga paaralan sa Cordillera, naitatag ang kauna-unahang restroom para sa mga lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, questioning, intersex, at asexual plus (LGBTQIA+) na mag-aaral ng Ubao National High School sa tulong ng Project HANDOG (Hygienic and Opulent Restroom for Girls) Kay Juana sa Cordillera Plus LGBTQIA+ Pa.

Umaasa ang Dibisyon ng paaralan ng Ifugao na sa pamamagitan ng inisyatibong ito ay tuluyang maiwasan ang diskriminasyon at pang-aabuso sa mga studyanteng miyembro ng LGBTQIA+.



LGBTQIA+ supporters walk.

 Ayun kay Sasha Joseph Daganos, isang transwoman na siyang namumuno sa DepEd Cordillera human resources division, inaasahang  mas marami pang paaralan ang mahihikayat magtayo ng restroom para sa mga LGBTQIA+ na mag-aaral sa pangunguna ng Ubao National High School.

“I was born during the time when elders condemned homosexuality in villages. It was taboo. But the older and extremely conservative generation has since passed away, and social media, coupled with the much younger generation of parents, has made LGBTQ teens more visible, if not yet totally accepted.” Saad ni Daganos sa isang panayam.

Patuloy naman ang pagsasagawa ng DepEd ng isang survey upang matukoy kung ilan pang LGBTQIA+ pupils ang nangangailangan ng sariling restrooms. Sinabi ni Daganos na kailangang maging maselan sa pagsasagawa ng survey sapagkat maaaring ang ibang kabataan ay hindi pa natutukoy ang kanilang sekswalidad dahil sa kanilang murang edad o di kaya naman, ang iba’y hindi pa handang ilantad ang kanilang pagkatao.

Samantala, malaki ang paniniwala ng School’s division of Ifugao na sa pamamagitan ng pagpapatayo ng restroom para sa kanila ay mapaigting ang pagkakaroon ng gender-friendly environment.

Photo of a gender-neutral washroom

 Magkaka-iba man ang ating paniniwala at pananaw ukol sa isyung ito, ang tanging hiling ng mga miyembro ng LGBTQIA+ ay maipagkaloob sa kanila ang pang-unawa, pagmamahal at patas na respeto na kanilang kailangan.



Read more: Top 5 Benefits of Online Education



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *